Thursday, October 27, 2016
Liz Alindogan, Angeline Quinto, Shaina Magdayao, at Valeen Montenegro, First Time sa Cinema One Originals
"Pinakachallenge yung nagkita-kita kami ng original cast tas ibang-iba yung atake ni John Torres. Wasak na wasak," sabi ni Liz Alindogan, ang bida ng People Power Bombshell: The Diary of Vietnam Rose ni John Torres. Ang sexy star nung 80s na diumano'y kamag-anak ni Lily Monteverde ng Regal Films ay nagbabalik sa dokumentaryong ito tungkol sa isang pelikula ni Celso Ad Castillo na hindi natapos. "Hindi natapos kasi nabankrupt. Naitago sa ilalim ng kama [yung footage]," dagdag pa niya.
Kasama niya rito sina Anna Luna, Elora Españo, at Kim Perez. Ang dalawa pang kabilang sa Documentary Features Category ay ang Forbidden Memory ni Teng Mangansakan ukol sa masaker noong 1974 sa Malisbong at Sultan Kudarat pati na rin ang Piding nina Paolo Picones at Gym Lumbera na tungkol sa isang misteryosong ibong tinatawag na piding.
Isa sa pitong pelikula ng Narrative Feature Category ay ang Malinak Ya Labi ni Jose Abdel Langit na pinagbibidahan nina Angeline Quinto at Allen Dizon. Ang dalawa ay pawang nakipagtrabaho sa isang vocal coach para matuto ng lenggawaheng Pangasinense na siyang gamit sa pelikulang ito na tungkol sa blood sacrifice ng hayop na magbibigay daan sa misteryosong pagkamatay ng isang batang lalaki.
Sa LGBT film ni Samantha Lee na Baka Bukas, ang Kapamilya star na si Jasmine Curtis-Smith at ang Kapuso star na si Louise delos Reyes ang tutuklas ng kakaibang damdamin nila para sa isa't isa. Progresibo para kay Valeen Montenegro ito kung titingnan ang usaping sekswalidad sa bansa. "Although this community is mostly recognized by gays, what about lesbians?"
Si Valeen ay kabilang naman sa pelikulang Every Room is a Planet ni Malay Javier na tungkol sa metapor ng outerspace, relasyon, at pag-ibig. Kasama niya rito sina Rap Fernandez at Antoinette Taus. Sa pagsali sa pelikulang Lily ni Keith Deligero na isinulat ni Pam Miras, pakiramdam ni Shaina Magdayao ay magiging proud ang mga magulang niya dahil lenggwaheng Cebuano ang gamit sa pelikula. Kasama rin niya sa cast ang Cebuana actress na si Natileigh Sitoy pati na rin ang 'reluctant star' na si Rocky Salumbides.
Ang isa pang mga pelikulang kasali sa kategoryang ito ay ang Si Magdalola at ang mga Gago tampok ang theater actors na sina Peewee O'hara at Gio Gahol, ang Viva artist na si Rhen Escaño (na mukhang isang Timburton girl dahil sa maamo niyang mukha), at si Josh Bulot ng JBK band (na kasama rin sa Rak of Aegis). Ang istorya ay umiinog sa pakikipipaglaban ng isang mangkukulam sa mga sex-starved goons sa kabundukan para maprotektahan ang kanyang magandang apo.
Kasama naman sa pag-arangkada ni Natalie Hart ngayong 2016 bukod sa Siphayo na ipapalabas sa ika-2 ng Nobyembre ay ang pagiging bida sa pelikulang Tisay ni Borgy Torre kasama sina JC De Vera at Joel Torre. Tungkol ito sa underground semi-pro basketball, Last but not the least ay ang Too Cool To Be Forgotten.
Kabilang sa programa ng film festival ay ang pagpapalabas ng Restored Classics kabilang ang Tatlong Taong Walang Diyos ni Mario O'Hara, Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi ni Danny Zialcita at Cain at Abel ni Lino Brocka. Ipapalabas rin ang Best of Cinema One Originals 2015 na FDCP-rated na pati ang ilang acclaimed foreign films tulad ng The Salesman, Slack Bay, It's Only the End of the World, Embrace of the Serpent, Swiss Army Man, I, Daniel Blake, Fuocuoammare,
De Palma, Close Encounters with Vilmos Szigmond, The Wailing, Goodnight Mommy, The Witch, at Creepy.
Mayroon ding special screenings ang Golden Lion award winning film ni Lav Diaz na Ang Babaeng Humayo at found footage horror film ni Sherad Sanchez
Ang Cinema One Originals ay mapapanood Mula November 14 hanggang 22, 2016. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills, at Cinematheque Manila ng FDCP.
PHOTO ALBUM
No comments:
Post a Comment