Monday, December 11, 2017
Allen Dizon, Willing Magbihis Babae para sa Latay; BG Productions, Aarangkada Ulit Ngayong 2018
Ang Aguman Sanduk festival ng Minalin, Pampanga ay isang tradisyon ng lugar kung saan ang mga kalalakihan ay nagbibihis-babae o yung tinatawag nilang crossdressing. Averse si Allen Dizon sa kahit anong role na kailangan niyang isuot ang damit ng opposite gender kahit na okay lang sa kanya gumanap na bading. Ngunit dahil sa importante ang eksena sa pelikulang Latay kung saan gaganap siya ng challenging role bilang isang battered husband, nagdesisyon siyang i-overcome ang limitation niya at magmistulang isang drag queen para sa eksenang iyon na isa sa magiging highlight ng pelikula.
Sa ngayon ay sikreto pa muna ang role ni Allen, na sobrang thankful kay ms. Baby Go dahil sa dami na niyang nagawang proyekto under BG Productions International na umani ng recognitions sa de-kalidad ng afilm festivals abroad tulad ng Area, Lauriana, at Iadya mo Kami. Direktor niya dito si Ralston Jover, ang nagdirehe rin ng pelikulang Bomba na nagbigay sa kanila ng kaperahang si Angellie Nichole Sanoy ng Special Jury Award sa 33rd Warsaw International Film Festival, isang A-List Filmfest.
"It will focus more on the sexual politics of the relationship," ani ng direktor.
Ang Almost A Love Story naman ang isa pang aabangan sa BG dahil ito ang unang pelikula ng maindie queen na si Madam Baby Go sa mainstream. Matutunghayan dito ang tambalang DerBie - Derrick Monasterio at Barbie Forteza - pati na rin ang veteran supporting cast na kabilang sina Ana Capri at Lotlot De Leon.
Inamin ni Barbie Forteza na nauna ang commitment niya dito sa pelikula bago pa man iaannounce ang show na pagsasamahan nila ng binata. Matatandaan na umamin si Derrick a few months ago na niligawan niya si Barbie years ago. Sa ngayon, very supportive siya sa dalagang naging isang malapit na ring kaibigan. "For me, it's always a surprise working with Barbie kasi sa lahat po ng roles na ginagampanan niya, laging bagong Barbie ang nakikita ko."
Ang pelikulang nabanggit sa itaas ay idederehe ni Louie Ignacio at kukunan sa Italy pagpasok agad ng taon.
No comments:
Post a Comment