Thursday, February 22, 2018
Martin del Rosario, Takot Baka Madala ang Character sa "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" at Baka Mang-Rape Siya Pag-uwi
"Delikado ata 'pag dinala mo sa bahay. Mamaya pag-uwi ko'ng bahay, mang-rape ako," biro ni Martin Del Rosario who plays a very bad boy in this first advoca-serye of GMA 7 titled Hindi Ko Kayang Iwan Ka (HKKIK). Gagampanan niya si Lawrence de Leon, college friend ng bidang si Thea Balagtas na gagampanan naman ni Yasmien Kurdi.
Si Lawrence ay may lihim na pagtingin sa kanya at serial playboy kaya magkakaroon siya ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) na magdudulot ng malaking problema kay Thea. Naiyak si Yasmin Kurdi habang pinapanood ang pilot episode ng HKKIK.
"Tinuruan niya ako kung paano kumausap sa puno or sa dingding," paliwanag ni Yasmin nang tanungin tungkol sa pagpasok sa character na kanyang ginagampanan. Naiyak siyang muli dahil ang tinukoy niya ay ang namayapang theater actor at director na si Khryss Adalia. Nabanggit rin niya ang pagkalungkot dahil sa pagkamatay ni Direk Maryo J. Delos Reyes na isa sa nagdirek ng pilot episode nila.
Ang character niyang si Thea Balagtas ay isang simple provincial girl na may promising career bilang isang public accountant. Maiinlove siya kay Marco Angeles (Mike Tan) na mayamang binatilyong nakilala niya sa workplace. Magiging hadlang sa kanilang relasyon ang dalawang elitistang malapit kay Marco, ang nanay nitong si Adelaida Angeles (Gina Alajar) at ang ex-girlfriend niyang si Ava Imperial (Jackie Rice).
Ang iba pa nilang makakasama sa ground-breaking project na ito ay Shamaine Buencamino bilang Magda Balagtas; Charee Pineda bilang Anna Balagtas; Ina Feleo bilang Sofia Angeles; Mike 'Pekto' Nacua bilang Tantoy Cruz; Catherine Rem bilang Olga Cruz; Caprice Cayetano bilang Angela Angeles; at Seth Dela Cruz bilang Maurice Angeles.
Layunin ng series to raise HIV awareness at ieducate ang mga manonood sa epekto ng sakit sa buhay ng isang tao lalo na pagdating sa diskriminasyon ng society dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman tungkol dito.
Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang HKKIK bilang bahagi ng GMA Afternoon Prime matapos ang The Stepdaughters.
No comments:
Post a Comment