Monday, March 19, 2018
Ai-Ai De Las Alas, Katuwang ng Ex Battalion sa Tagumpay Bilang Manager nila; RRJ, Unang Endorsement
Ikinwento ni Ai-Ai na ang writer nila ng Bossing and Ai, ang comedy game show na hinost niya kasama si Vic Sotto, ang nagbigay daan para madiskubre niya ang hiphop group na Ex Battalion. Inirekomenda nito ang music ng grupo at nang mapakinggan niya ito, kaagad siyang nahook kasi international ang dating at hinanap niya talaga sila sa social media.
Una niyang sey noong hindi pa niya alam na local artists ang grupo: "Imported ba yan? Paano ako makikipagcollaborate sa mga imported eh hindi ko naman mga kilala ito?" Unang naging collaboration nila ay ang music video na nagsisilbing homage sa pag-ibig nila ni Gerald Sibayan, ang kantang Walang Pinipili. Nauna pa nga itong gawin sa studio sa Mandaluyong kesa sa Hayaan Mo Sila.
Mas mahaba-haba na ang pagsasamahan nila ngayon dahil nakapirma na ang grupo ng 2 years management contract sa Comedy Queen. Una niyang nakuhang endorsement parasa kanila ang RRJ o Rough Rider Jeans, isang rugged brand na nauna pa sa Penshoppe o sa Bench. Maraming plans si Ai-Ai para sa grupo pero gusto muna niyang magfocus sa dalawa o tatlong malalaking plano bukod sa endorsement na ito. Yun ay ang concert sa isang malaking venue pati na rin ang posibleng international tour. Sabi tuloy ng isang miyembro, "Natatakot po ako kasi hindi ako marunong mag0english masyado."
"Hindi kami nagstick sa taste ng iisang music. Nilagyan namin ng twist para mahuli namin yung kiliti ng masa," sabi ni Boss X1ne. Gaya ng Ex Battalion, ang RRJ ay maglalabas din ng special series sa apparels nila na inspired ng grupo kaya watch out na lang kayo sa branches near you.
No comments:
Post a Comment