Monday, September 9, 2019
Underground Bands Pati May Cult Following Na, Tutugtog Under the Starry Sky sa Hueniverse
Naranasan mo na bang buuin ang sarili mong reality? Ipaparamdam sa iyo ng Hueniverse ang isang out of this world experience.
Sa ilalim ng bituin ay magsasanib ang music, arts, at dance sa Hueniverse. It ay gaganapin sa Filinvest City Events Ground on September 28, 2019. Mapalocal man o international artists yan, ipararamdam nila sa audience ang love and positivity na nag-uumapaw sa galaxy.
Diverse ang genre at artists. May nga performances ng startup bands gaya ng Chiquerella (R&B, Pop & Rock, Blues) at Written in the Stars (Pop, Hiphop, Rap), na susundan naman ng rising artists ng henerasyon na ito -- sina Claudia Barretto (Pop) at Mark Oblea (Pop). Ang iba't ibang indie bands, gaya ng Bita and the Botflies (Blues Rock), The Ransom Collective (Indie rock/folk), Agsunta (Alternative), at Autotelic (Pop rock), ay pasasayawin kayo sa musika nila. Okay lang ithrowback ang Dalagang Pilipina trend basta ba sa saliw ng AlmoSt (Hiphop) at Spongecola (Alternative rock) classics. Siyempre, hindi mawawala ang elite local DJs na sina Katsy Lee, Tom Taus, Jennifer Lee, at Ron Poe para alalayan ang daloy ng energy sa paligid! Siyempre, ang headliner ay ang award winning international DJ na kilala sa kanyang hit single na "Tsunami" kasama ang DVBBS -- si BORGEOUS!
Kahit na bago pa lang sa production industry, overwhelming ang paglago ng Bright Bulb Productions bilang isang kumpanya. Malakas ang reach ng team sa local influencers at celebrity circles. Sa dalawa (2) na taon ng operations, mabilis ang paglago ng kanilang clientele at matibay ang nabubuong working partnerships. Para palakasin ang posisyon nila sa industry, inilunsad ang "Hueniverse Music Festival"- ang una at pinakamalaki nilang produksyon ngayong taon.
Ang mga produsyer ay sina John Prats, Isabel Oli-Prats, Camille Prats, Angelica Panganiban, at Sam Milby. Hindi smooth ang naging biyahe dahil may kanya-kanya silang career at commitments, pero dahil sa tiyaga at focus, nagtagumpay silang mabuo ang event.
Hindi lang attendeed at producers ang mageenjoy sa music festival kundi ang beneficiaries ng Hueniverse Foundation, binubuo ng elderly community na wala nang sariling tahanan. Ang pagtulong sa mga inabandonang senior citizens ay ang advocacy ng Bright Bulb Productions, na nagpapaigting ng kanilang humility at pagiging socially responsible.
Ang event na ito ay posible sa tulong ng co-presentor na Sun Cellular, na magdadala ng ningning at liwanag sa gabing madilim kung saan tayo ay magiging "huenited".
1pm magbubukas ang gates sa September 28, 2019 sa Filinvest City Grounds. Mabibili ang tickets sa www.smtickets.com. Maaari ring pumunta sa SM Malls at usually ay nasa "Payments" o "Customer Information" area nakakabili ng tickets.
No comments:
Post a Comment