Monday, March 9, 2020
Wanderland 2020 Postponed Na-Lost Dahil sa COVID-19
Nitong nakaraang weekend dapat ang Wanderland 2020, isang music festival kung saan headliners ang IV Spades, sina Bruno Major, No Rome, Joji, Niki, Foals, Nick Murphy, atbp.
Hindi natuloy ng March 7 and 8 ang event na organized by Karpos Multimedia dahil nga sa Filinvest City Event Grounds dapat ang venue at dahil nga sa confirmed COVID-19 case sa area ay may advisory ang City Government of Muntinlupa patungkol sa huwag muna pagdadaos ng malaking events in compliance with the World Health Organization safety standards.
Ang announcement ay inilabas sa Facebook page pati na rin sa website nila na www.wanderlandfestival.com. Halos buo na rin nila ang stage kaya medyo nakapanghihinayang na nangyari ito. Inassure nila ang publiko na ang refund process pati ang update sa rescheduling ay ipopost nila soon.
2013 ito sinimulan ng Karpos Multimedia at ang vision nila ay mapaexperience sa mga Pinoy ang "one of a kind music festival" Kaya nga sila ang considered na most established music festival sa bansa. Hindi lang music kundi art installations ang finifeature nila. Ilan sa musicians na nagperform sa festival na medyo kilala na rin sa mainstream ay ang Up Dharma Down, The Ransom Collective, LANY, Reese Lansangan, Lauv, Quest, Ben&Ben, Autotelic, Sandwich, at si Clara Benin.
As early as August 27, 2019 ay nagkaroon na ng presale para makamura sa normal 2-day pass na Php7000 o sa VIP (Star Wanderer) for Php12000.
No comments:
Post a Comment