Wednesday, October 18, 2017

Jordan Herrera at Shandii Bacolod, Excited na sa Rerun ng Best.Partee.Ever sa October 20-26



"We had to make our own color para hindi kami pagkamalang preso. May ID system kasi dun [San Fernando, Pampanga prison]. Kapag wala kang ID, hindi ka palalabasin," pagpapaliwanag ni Shandii Bacolod, aktor-direktor sa pelikulang nabanggit, tungkol sa paggamit nila ng kulay yellow instead of orange uniforms.

Isang linggo nilang shinnoting sa totoong kulungan ang pelikulang bunga ng screenplay ni Honeylyn Joy Alipio. Ito rin ang nagbigay ng Best Actor award kay JC De Vera noong 2016 QCinema International Film Festival. Si Jordan Herrera naman, who played the role of "Pitik", ay pinarangalan bilang Best Supporting Actor sa recently concluded 4th Urduja Film Heritage Awards.

"Sa short time na nagshoot kami nung movie, nafeel namin yung hirap sa loob. Yung amoy talaga...yung pinagpapawisan kami...alam mo, pagpasok mo sa selda galing sa tent, sa amoy pa lang makakahugot ka na," shared Jordan tungkol sa natutunan niya sa shooting.




Based ang pelikula sa true events na ang sentro ay si Miguel Giancarlo E. Ledesma III or Mikey for Short (JC), isang mayamang bakla na mahilig pumarty, preferably with ecstasy. Sa birthday salubong niya nung 2012, naaresto siya sa isang drug buy-bust operation habang nagdiriwang kasama ang mga kaibigan sa isang upscale club. Habang nasa preso, matututunan niyang makibagay at eventually ay magiging isang 'mayor' (ringleader) ng isang grupo ng mga baklang preso na kung tawagin ang sarili nila ay "Gang-da". Isa sa mga prominenteng miyembro nito ay si Chubbyonce (Shandii).

Kasama rin sa cast sina Mercedes Cabral, Kristoffer King, Aaron Rivera, Acey Aguilar, Angela Cortez, Odette Khan, Jay Gonzaga, Tony Fabian, atbp.

Ang pelikulang ito ay idinerehe ni HF Yambao (na siya ring nagdevelop ng story) at ang DOP naman ay si Rain Yamson. Ipapalabas ito sa sleected SM Cinemas nationwide. 



No comments:

Post a Comment