Saturday, March 3, 2018

Aiza Seguerra, Kinlarify ang Pagpapalit ng Pangalan Sabay sa Pagrerenew ng Kontrata sa Universal Records



Truth be told,  Disyembre pa lang ay ayaw na ng National Youth Commission Chair na tawagin siya sa anumang related sa babae gaya ng "miss", "ate", "ninang", "tita", atbp. Ang bago niyang nom de plume ay Ice Seguerra, na siyang ginamit niya sa Wish Bus 1 month ago noong naging isa siya sa guest artists dito.

Matatatandaan na noong 2013, Best Supporting Actress ang titulo niya nang nanalo sa MMFF for My Little Bossings kahit na ang pangalan ng role niya dun ay Ice.

Ilang araw na ang nakakaraan ay nireiterate niya ito sa nga piling press people na witness sa kanyang contract signing with Universal Music, na tatlong taon na niyang katrabaho. Ang unang album na nirelease niya under sa kanila noong 2015 ay ang Araw Gabi: Mga Awit ni Maestro Ryan.

Pero kung tutuusin, mas madali itong maalala sa full name niya na Cariza "Aiza" Yamson DiƱo Seguerra. Isa sa mga gusto niyang makacollaborate ay si Gloc-9 na kapareha niya ng record label. Isa raw sa unang lalabas na bagong song niya ay isang collaboration with his partner.



Photo credit: Grace Lomboy Foronda via Universal Records

No comments:

Post a Comment