Popular Post

Popular Posts

Posted by : Pinoy Screen and Stage Friday, April 7, 2017



Pinamagatang Gerald Santos: Something New In My Life, malakas ang ugong sa paligid na ito na raw ang kanyang huling pag-awit sa Pilipinas dahil may malaking proyekto siyang makakapagpabago ng kanyang buhay for the better. Ito ay irereveal niya sa concert niya mismo na sakto ding post-celebration sa kanyang 10 years sa showbiz.

Ang major concert na ito ay gaganapin sa Linggo, ika-9 ng Abril, 7pm sa SM North EDSA Skydome.  Handpicked ni Gerald ang mga kanta, from power ballads to contemporary pop songs at pati mga kanta galing sa Broadway musicals.

Makakasama rin niya sa concert ang UP Concert Chorus at Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid. Si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar Season 2 kung saan naging grand champion si Gerald na nagbigay sa kanya ng momentum.

Nanalo na si Gerald ng dalawang Aliw Awards at may distinction ng five straight nominations from 2011-2015 bilang Best Male Concert Performer in Aliw Awards. Tinawag siyang "one of the best voices in the industry!" ng critics kaya di kataka-takang nang sumabak siya sa teatro dalawang taon na ang nakararaan ay lead role siya agad bilang si San Pedro Calungsod. 



Ang mga tickets ay mabibili sa SM Tickets (470-2222) o pwede ring kontakin ang 09284782957.

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

- Copyright © Pinoy Screen and Stage - Devil Survivor 2 - Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -