Monday, June 5, 2017

Anne Curtis, Hindi Valentina Pero Leading Lady ni Dingdong Dantes

Source: rapbeer.com

Sa isang panayam maikling panayam ni MJ at ilang piling press people sa event ng Cherry Mobile na #iwANNEbe Photo Contest, gulat pero dagling pinabulaanan ni Anne Curtis ang chikang siya na ang napiling iconic suppervillain na magiging katunggali ni Liza Soberano bilang si Darna.


However, open ang Kapamilya actress na tanggapin ang role sakaling ialok ito sa kanya. Hindi naman raw siya takot sa ahas.

Matatandaan na kahit na madalas nang lumabas si Anne bilang bidang inaapi sa Kampanerang Kuba (2005) at Dyesebel (2014), napakabelievable niyang maldita sa mga nilabasan niyang pelikula kung saan siya ang antagonist gaya ng No Other Woman (2011) at The Gifted (2014).


Source: Anne Curtis' IG


Mapapanood ang maikling video interview sa channel ng Showbiz Philippines sa Youtube. Ngayon, ayon sa columnist na si Mell Navarro, ang pagkakaabalahan niyang ishoot ay ang Insomnia, kung saan unang beses niyang makakatambal si Dingdong Dantes bilang leading man. Ang pelikulang ito na under ng Viva Films ay ididirehe ni Irene Villamor na siyang nagdirek din ng Camp Sawi.

No comments:

Post a Comment