Popular Post

Popular Posts

Posted by : Pinoy Screen and Stage Monday, September 18, 2017



Noong 2007 ay nakatrabaho na ni Piolo ang direktor ng nasabing pelikula kung saan si Regine Velasquez naman ang nakatambal niya. Ito ang reunion movie nila ni Toni matapos ang Valentine blockbuster hit na Starting Over Again.

Ito rin ang magsisilbing "comeback movie" ni Toni na ang huling full-length film ay noong 2015 pa, ang pinagbidahan niyang You're My Boss.

Sumesentro ang pelikula kina Mark (Piolo) at Carmina (Toni). Nawala kay Mark ang lahat tapos nakilala niya si Carmina, isang gabing madilim. Parehong nasa dulo ng kani-kanilang mga pisi sina Mark at Carmina na nagtulak sa kanila sa isang kasunduan na naging simula ng kanilang pagkakaibigan. Ang pagtitinginang ito ay mauuwi sa espesyal na pagtatangi nila sa bawat isa.




Ang Last Night ay isinulat ni Bela Padilla. Ito ang ikaapat niyang screenplay, at ang una niya sa Star Cinema. Bago ang Last Night, ang pinakanotable roles ni Bela sa ABS-CBN ay pagiging katambal ni Coco Martin sa top-rated primetime series na Ang Probinsiyano, at ang kakatapos lang na teleseryeng batang babae ang bida at si Zanjoe Marudo ang kanyang katambal. Ang pagiging scriptwriter niya ang ay ginawa siyang isa sa emerging at influential millenial voices sa industriya ngayon.

Prinodyus ng Star Cinema, Spring Films, at N2, ang Last Night ay ipapalabas sa cinemas nationwide simula September 27.


RELATED VIDEOS:

Piolo, humanga sa scriptwriting skills ni Bela Padilla

*Photos and videos by Janel Favila

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

- Copyright © Pinoy Screen and Stage - Devil Survivor 2 - Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -