Popular Post

Popular Posts

Posted by : Pinoy Screen and Stage Tuesday, September 12, 2017

Photo credit: Cebu Bluewaters


Ito ang Beach Placid na matatagpuan sa may Alice Beach ng Bantayan Island, Santa Fe, Cebu. Dito, isang binatang may hinahanap ang maghahanap ng kanlungan kung saan matatagpuan niya ang isang dalagitang kanyang makakapalagayang-loob.

Simula sa Biyernes, ika-15 ng Setyembre, mapapanood na hatid ng Cinelokal and I Found My Heart in Santa Fe, na itinatampok ang magkasintahan sa totoong buhay na sina Will Devaughn at Roxanne Barcelo. Ang tiket ay mabibili sa halangang PhP150.

Ito ay mula sa Bluart Productions ng direktor na si Bona Fajardo at ang kanyang asawang si Lyn. Noong nakaraang Sabado, dumalo sa premiere sa may SM The Block si Mayor Esgana ng Sante Fe.

Isa sa magandang abangan dito ng mga panatiko sa romansa ay ang kissing scene ng magkasintahan na pumumpuno ng laman.

Sakto namang sumabay ang escapade nina John Lloyd at Ellen Adarna sa isla na naging laman ng iba't ibang pahayagan at social media ng mga sumunod na araw.

Ang tanong ng bayan, sina Will at Roxanne ay tunay na magkasintahan, eh kayo ba?



Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

- Copyright © Pinoy Screen and Stage - Devil Survivor 2 - Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -