Popular Post

Popular Posts

Posted by : Pinoy Screen and Stage Thursday, October 12, 2017



"I share the good times as much as I can. When I had my break-up, I put it on Youtube," ani Sebastian Castro na about isang linggo na ang nakakaraan ay kinonfirm ang breakup niya sa former Kapamilya TV Reporter na si Ryan Chua via Facebook.

Bida ang hot Youtube star sa pelikulang 4 Days kasama si Mikoy Morales na isang Kapuso actor-singer. Si Mikoy naman ay kakasplit lang sa kanyang kasintahang si Thea Tolentino mga dalawang buwan nakararaan. 

Ang setting ng pelikula ay sa malawak at nakabibighaning University of the Philippines. Umiikot ang kwento kay Mark (Mikoy Morales) na mamimeet si Derek (Sebastian Castro) at magiging roommate ng huli. Habang binubuno ng dalawa ang four years of college nang magkasama ay may tunggalian ng emosyong magaganap tuwing Valentine's day habang bawat isa ay inaalagaan ang kanya-kanyang kloseta.



Ang description ng Team Magazine sa 4 Days ay isang love story na puno ng maiingat na kibot na nagpupumilit makawala. "There is irony that what you love needs to be hidden, especially from parents who could take your access to each other away. There is the tragedy of this source of happiness being one you deny in front of your friends, allowing a lover's doubt to set in.

May cameos din sa pelikulang ito sina Rosanna Roces, Hazel Faith dela Cruz, Stephanie Sol, at Arvic Tan. Ang theme song ng pelikula titled Pusong Hindi Makatulog ay kinompose at pinerform ni Mikoy Morales.

Ang pelikulang ito ay idinerehe ni Adolfo Alix, Jr.

Bisitahin ang offical facebook page na https://www.facebook.com/4DaysMovie para sa karagdagang impormasyon.



2 films for the price of one with dahil sa screening ng Kinabukasan starring Nora Aunor 

Gawa ng same director, kapareha ng Superstar si Alden Richards dito. Nanalo ito sa Gawad Urian 2015 as Best Short Film at naging bahagi rin ng Cinema One Originals short film category. Nakasama rin into sa maraming international film festivals: Hanoi, Rotterdam, Singapore, Torino Gay and Lesbian, and LesGaiCineMadrid. Ang istorya ay nagsisimula sa pagkikita nina Ernest (Nora Aunor) at ni Niles (Alden Richards) matapos mamatay ang kanilang mahal sa buhay. Ang pagtatagpong ito ang magiging hudyat ng pagsiwalat ng mga kinimkim na dalahin.



Isang Ayala Malls Cinemas' Exclusive, ang 4 Days ay mapapanood sa October 18 in Greenbelt 1 and Trinoma Cinemas.



Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

- Copyright © Pinoy Screen and Stage - Devil Survivor 2 - Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -