Popular Post

Popular Posts

Posted by : Pinoy Screen and Stage Friday, March 23, 2018



"People got inspired so in my own human way, yung gusto ko mangyari na maspread yung mensahe ni Jesus...nagawa ko...through the chain of events," sabi ni Lance Raymundo matapos mabring-up ang aksidente niya dati sa isang gym. 2014 pa kasi siya dapat unang gaganap as Jesus Christ sa yearly theatrical presentation ng Tanghalang Sta. Ana, ang Martir sa Golgota. Ito ay laging si Lou Veloso ang director at pangatlong beses na ng singer-actor gagampanan ang role.

Sa totoo lang, contributing factor sa aksidenteng yun ang preparation niya sa dapat na role niya nung 2014 dahil gusto talaga niyang maachieve ang "karpentero fit" na body at maramdaman ang pakikisalamuha sa medyo masang uri ng tao kaya inbes na sa sosyal at kilalang gym pumunta, doon siya sa standalone nag-ensayo.




Ano nga ba ang nabago kay Lance Raymundo dahil sa pagganap niya kay Hesukristo? "Ngayon, yung iniisip ko sa sarili ko, si Kristo naging tao, di ba? So, all I have to do, to be an effective Christ, is embrace my humanity. kaya yung ginawa ko, I became more of a people person." Natutuwa rin niyang ibinahagi kung paano siya nakikitambay kasama ng mga tao sa Sta. Ana pati na rin ang kanilang mga anak at nag-eenjoy kumain sa kanto.

Mas maikli ang loincloth ni Lance this year gaya ng sapantaha ng isang journalist na kahit ang pagtatanong ay biro pero game na game sinagot ng singer-actor.

Itatanghal ang first show bukas, March 24 ng gabi, sa Althea Park, Greenfield District, Sta. Rosa, Laguna. Si Ivy Violan ang gaganap na Virgin Mary.


Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

- Copyright © Pinoy Screen and Stage - Devil Survivor 2 - Powered by Blogger - Designed by Johanes Djogan -