Sunday, March 18, 2018

Rico Yan, Buhay pa rin ang Alaala sa mga Fans sa Kanyang Ika-43 na Kaarawan



"Last year po [2017], nandito rin kami, October 4. Wala pong okasyon nun," sabi ng isa sa mga aktibong fans na responsable sa pag-organisa nitong munting gathering at salu-salo sa kanyang puntod. Ito ay naganap noong ika-14 ng Marso, ang 43rd birthday celebration sana ni Ricardo Carlos Castro Yan, na mas kilala sa tawag na Rico Yan, kung nabubuhay pa siya.

Worlwide ang fans club niya na siya ring tumulong sa pagpondo sa event na ito...mga OFWs na based sa Bahrain, Singapore, Hongkong, Kuwait, etc. Yung FB group nila na RYCB Forever ay may 6,160 members as of writing. 12 ang admins nito, parang 12 apostles kung titingnan. Ito ay sina Sally Villanueva, Beng Bartolome, Seph Genodeala, Toyang Acedillo, JB Baculto, April Morales (2 accounts), Ditas Raton, at Angelita Soriano. 




Iba-iba ang dahilan ng bawat isa kung bakit sila naging fan ni Rico Yan. "Pag nakikita mo siya, yung mga smile niya, mawawala ang problema mo," sey ni Lyn Chavez. Si Annarie Gaerlan na fan niya since 1997 ay naengganyo dahil sa pagiging mabait ng yumaong binata. Yun gisang aktibong millenial fan naman niya na si Jady ay napanood lang ang Got 2 Believe na trailer at nahook na siya. Simula noon ay naging aktibo na siya sa pagpanood ng lahat ng mga ginawa nito mapelikula man o telebisyon, pati na rin sa gatherings tulad nito.

1996 pumasok ng showbiz si Rico Yan at iniwan niya ito with his untimely death in 2002 nang bangungutin siya sa isang resort. 27 pa lang siya noon. Taun-taon daw ay dumadalaw pa rin si Claudine Barretto sa kanyang puntod para mag-alay ng mga bulaklak. Ang Rico Yan Youth Foundation naman na may pinapaaral na scholars ay minamanage ng kanyang kapatid.



No comments:

Post a Comment