Sunday, May 6, 2018

Paolo Ballesteros, Suportado ng Eat Bulaga Friends sa Bagong Pelikulang My 2 Mommies



Suportado si Paolo Ballesteros ng kanyang mga kasamang Eat Bulaga Dabarkads at ikinuwento niya na openly nagpropromote pa nga sila ng My 2 Mommies habang naglilibot sa barangay. “Hindi ako nakapambabae dito. Normal na ako. Walang mga make-up make-up. I guess magiging interesting ito dahil sa...yung sa relaitonship with each other ng mga cast, yung sa role, hindi yung physical na look...yung transformation, hindi yun eh,” sagot niya sa tanong ng isang blogger regarding sa bagong flavor ng characterization niya sa pelikula.

Kasama niya sa pelikula si Solenn Heussaff sa pelikulang ito na idinirect ni Eric Quizon. Nireveal ni Eric na at one point, natigil ang shooting dahil sa sobrang katatawa ni Solenn sa antics ni Paolo, na tinignan niya bilang positive, dahil naalala niya ang namayapa niyang ama na si Dolphy ang isa sa mga iilan lang na nakakagawa ng joke kung saan hindi mo mapipigilan ang sarili mo kahit gusto mo nang tumigil humalakhak.


Ito ay kwento ni Manu (Paolo), isang discreet gay man na may successful career at eventually ay malalaman na mayroon pala siyang secret seven-year-old son sa isang drunken night with his best friend Monique (Solenn). Further complicated ito na hindi siya out sa kanyang family kabiliang ang kanyang tita sa pelikulang gagampanan ni Maricel Soriano. Isang fresh discovery ang anak ni Paolo sa pelikula na si Marcus Cabais na nag-aral pa daw ng French para magpaimpress kay Eric sa audition.

Prinodyus ng Regal Entertainment, Inc., ang Mother’s Day movie na ito ay mapapanood sa cinemas nationwide starting May 9 at magkakaroon ng invitational premiere night bukas, May 7. Kasama rin sa cast sina Joem Bascon, Diane Medina, Debraliz, Mich Liggayu, at Billy Ray Gallion.

No comments:

Post a Comment