Monday, July 30, 2018

Ai Ai de las Alas, Lucky Charm ng Hobe Noodles



Bukod sa kanyang pagiging hurado sa The Clash at pagmamanage sa social media viral sensation hiphop group na Ex Battalion, kaliwa't kanan rin ang pagrerenew ng kanyang mga clients sa kontrata niya bilang endorser. Ikaapat na taon na ito ni Ai Ai de las Alas bilang brand ambassador ng Hobe at kinumpirma ng marketing nila na pataas nang pataas ang sales simula nang siya ang kinuha nila.





Ang Hobe Noodle ay producto ng Marikina Food Corporation at sila ang unang bihon company na nakatanggap ng Halal Accreditation sa Pilipinas. Ang iba't ibang variants nito ay ang Hobe Specil Bihon, Golden Me Golden Bihon, Hobe Pancit Luglug/Palabok, Hobe Express/Instant Bihon, Hobe Pancit Canton, at Hobe Misua (Chinese Somen).




Vegan lifestyle and pinapraktis ng Comedy Queen at meron pa siyang oras ipagluto ang kanyang mister na si Gerald Sibayan ng pancit canton at carbonara. Nang tanungin siya tungkol sa posibilidad niyang pasukin ang pulitika, sinabi niyang naging open siya sa idea simula nang me humingi sa kanya ng tulong na fan regarding sa medical needs at dahil medyo alanganin ang oras, kinailangan pa niyang kumontak ng isang pulitiko para matulungan niya ito. Napagtanto kasi niya na mas mabilis at marami siyang mapagsisilbihang tao kung magkakaroon siya ng connections gamit ang politics.



Naganap ang contract renewal niya with Mr. Bobby Co of Hobe noong July 25.




Bisitahin ang official FB na https://www.facebook.com/HobeExpressInstantBihon para sa karagdagang impormasyon.





No comments:

Post a Comment