Monday, September 10, 2018

Jolo Revilla, Si Rhian Ramos Na Ba Ang Kaputol ng Kanta?



Panay ang post niya ng photos particularly sa Instagram na kasama si Rhian Ramos, ang leading lady niya sa 72 Hours na parte ng upcoming trilogy film na Tres. Ibang level na nga ba ang pagtitinginan nila which went beyond work? Kinlarify ni Jolo na kahit sinong kapareha niya sa isang project ay pinopost niya naang madalas sa social media. Bukod kay Rhian, nali-link din siya kay Ryza Cenon na katrabaho niya sa Ang Probinsyano.

"During nung film namin nakakapagsulat ako. Naipon siya nang naipon, so yun, si Rhian, nabigyan ko siya ng kanta," paglalahad ng Cavite Vice Governor. Hinugot raw ni Jolo ang lyrics niya sa past experiences na siya namang inawit ni Rhian. He clarified din na more of a songwriter siya kaysa isang musical scorer.


Bukod sa halos wala na ang lungkot sa mga mata niya at nagagawa pa niyang magjoke kapag binabanggit si Jodi ay kapansin-pansin ang katawan niyang mas papalapit na sa isang action star figure. Dahil sa diet at exercise, malaki ang nabawas sa timbang niya dati na umabot sa 217 pounds. Kaya daw siya nag-diet kasi nga nagsimula nang tumaas ang kanyang BP at naeenjoy niya ang fit body niya dahil nga pakiramdam niya ay ang gaan-gaan niya at nagagawa niya ang lahat.

Yesterday September 10 dapat ang alis niya papuntang Harvard upang magtake ng leadership course pero dahil kinailangan niyan asikasuhin ang promo ng pelikula ay naurong ito kahit nakapagbayad na siya ng airfare. Itutuloy na lang niya ito sa November 2018 matapos ang opening ng Tres in cinemas nationwide sa October 3.


Unang collaboration nila ito ng kanyang mga kapatid na sina Bryan at Luigi at under ng Imus Productions ito.


No comments:

Post a Comment