Wednesday, September 12, 2018

Bryan Revilla, Umaming Di Nageffort Makita si Stephen Curry kahit Mahilig sa Basketball



Napanood niya yung videos ng events except yung kay Kim Chiu. Mahilig siya sa basketball yun nga lang ay Lakers fan siya at hindi Warriors kung saang koponan belong si Curry kaya di na siya pumunta sa event sa MOA Arena.

Excited siya kasi nga ang film trilogy na Tres ang comeback film ng Imus Productions bukod sa fun ang naging shooting nila. Ang leading lady niya sa film ay si Carla Humphries na more than 4 months ago ay naissue na karelasyon niya na dahil nga nakitaan sila ng pagiging malapit sa isa't isa, ayon sa Philstar, sa isang event na inorganize ni Lani Mercado. However, ayon sa parehong publicaiton, agad naman niyang kinlarify na kasama niya si Carla dahil nga partner niya ito sa Virgo, at sabay inintroduce ang current GF niya that time na isang dermatologist. "Being able to spend time with her on the set and getting to know her is really amazing," sey ni Bryan tungkol sa leading lady.


"I also support my friends' films that's why I also supported that film," sey naman niya tungkol sa isa pang nali-link sa kanya na si Erich Gonzales. Ito ay dahil sa pagpromote niya almost a month ago ng We Will Not Die Tonight. Pareho kasing si Richard Somes ang nagdirek ng nabanggit ng movie pati na rin ang Virgo.

"Eating right is really what you have to pay attention to," sagot niya sa tanong kung nagdiet din ba siya kagaya ng kapatid na si Jolo to be in tiptop shape for the shoot. "We did our own stunts. We did our own fight scenes. We made sure as much as possible we didn't get doubles." Inamin niyang masakit kasi nga di maiwasang magkatamaan sila nang di sinasadya during fight choreography.

Ano namang gagawin niya kapag nakalaya na ang kanyang ama sa kulungan before December? Walang hesitation, sinabi niyang isasama niya ito on a roadtrip at aakyat ng bundok na bonding method nila before. Sa Sept. 25, 2018 ang birthday ni former Senator Bong Revilla, Jr.

Mapapanood ang Virgo na bahagi ng trilogy na Tres starting October 3 in theaters nationwide.



No comments:

Post a Comment