Wednesday, December 19, 2018

Catriona Gray, Bumalik Agad sa Pilipinas Sakay ng Private Jet with Chavit Singson, Jessica Soho, etc.



Mga sampung minuto bago mag-alas kwatro, lumapag na ang sinasakyang private jet ni Catriona Gray sa isang private hangar sa MIAA (Manila Domestic Terminal). Kasama niya dito ang direktor-aktor na si Eric Quizon na diumano'y partner ng PR agency na humahawak ng events ng LCS, ang group of companies ni Chavit Singson. Ilan pa sa mga kilalang personalidad na kasama niya ay sina Jessica Soho at Dyan Castillejo, ang huli ay gorgeous na gorgeous sa kanyang pulang get-up at aging gracefully.

Kasama niya sa "flash presscon" na ginanap sa lounge ng hangar ang kanyang mga sinusuportahang kidsfrom the Tondo charity house na Young Focus Philippines. 10 to 15 members of the press lang ang inesstimang nakapasok dahil sa higpit ng security. Isa sa mahalagang mensahe niyang Pasko ang "get into the spirit of giving".




To be announced pa ang official homecoming ng newly crowned Miss Universe 2018. May mga ugong-ugong na nabili na ni Chavit Singson ang franchise ng MUO at hindi na ito hawak ng Pilipinas. Nang tinanong namin ang billionaire na may sariling Wakanda sa Ilocos, ngumiti lang siya at nag "thumbs up".

Isang networking company na nagkalat ang billboatrd sa EDSA ang obviously nagmamay-ari ng bus na sinakyan niya papunta sa welcome dinner sa Shangrila The Fort.

Expected ang pagbalik niya sa New York within the next 48 hours para gampanan ang kanyang duties bilang bagong reyna.

This is a developing story. To be confirmed din ang rumors na si Richelle Singson na ang papalit kay Stella Araneta bilang grand dame na pipili ng ipapadala natin sa Miss Universe. Obvious naman sa picture kung ano na, di ba?




EXCLUSIVE VIDEOS!!!


No comments:

Post a Comment