Sunday, December 16, 2018

Kim Chiu, Nagsalita na sa Love Scenes sa One Great Love



Ang script ay isinulat ni Gina Marissa Tagasa at shinare ng direktor na si Eric Quizon na tinanong siya ng opinyon niya tungkol sa title na One Great Love. "Yung concept ng pelikula na ibinigay sa akin, dun nag-umpisa sa title."

Ang One Great Love ay tungkol sa life ni Zyra Paez (Kim Chiu), na naniniwalang love will complete her at ito ang magpapaligaya sa kanya. Si Carl Mauricio (JC de Vera) and one great love ni Zyra. However, dahil sa past ni Carl, palagi niyang nasasaktan si Zyra unintentionally. Si Ian Arcano (Dennis Trillo) naman ay ang dependable friend ni Zyra na eventually ay mafafall para sa kanya. Intertwined ang tatlong buhay na ito sa story na magrereveal sa atin na ang mga tao ay talagang naghahanap ng pag-ibig pero iba't iba ang pagtingin natin rito.

"Una, ayokong ipromote itong pelikulang 'to as puro love scene lang kasi 'di talaga siya...parang napadaan lang yunbg eksenang 'yon," paglilinaw ng dalaga. "Dito sa pelikula, tinatackle naming lahat when it comes to love...kung paano ka magmahal. Ibibigay mo ba talaga lahat?" Nagjoke pa siya na kung R-18 level na ang mga eksena ay baka bendisyunan na siya ng lola niya.




Kasama din sa film si Eric Quizon bilang actor portraying Dante Paez, ang tatay ni Zyra na hindi naka-move on sa kanyang one great love pero madidiscover na may second chance siya at love. Si Anne Paez (Nina Dolino) ay ang second wife ni Dante na naniniwala sa existence ng one great love. Si Jemi Paez (Miles Ocampo) ay ang younger sister ni Zyra na mature for her age. Practical thinker siya kaya nachachallenge niya ang view ni Zyra about love. Si Bryan Gomez (Marlo Mortel)

Showing ang film bilang isang MMFF official entry on December 25 in cinemas nationwide. Para sa karagdagang updates, follow Regal Entertainment Inc. on Facebook and Youtube, @RegalFilms on Twitter, @RegalFilms50 on Instagram.



No comments:

Post a Comment