Friday, December 7, 2018

Maine Mendoza Pinakain ng Palaka ni Coco Martin sa Jack Em Popoy



"Ang problema, nung nagtetake kami, hindi pa luto. Ramdam mo na sariwa pa kaya nagtatawanan kami," pag-amin ni Coco Martin sa press sa naging experience nila ng co-star niyang si Maine Mendoza nang kinailangan nilang kumain ng palaka para sa isang funny scene sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles na isang MMFF 2018 official entry.

Umamin na rin si Maine Mendoza na nasa "getting to know you" phase sila ni Arjo Atayde na nalilink sa kanya dahil sa mga larawang lumabas dati na happy together sila. Malungkot na masaya siya sa paglipat ng APT Studios sa Cainta, Rizal. Imbes na sa Broadway Centrum ay dito na kasi gagawin ang Eat Bulaga.

May naunang project na dapat gagawin si Bossing Vic Sotto with Coco Martin dati kaya lang hindi natuloy kasi ayon sa kanya, hindi raw nagkasundo ang networks.

"Ay nagkainlaban na kami," joke ni Vic nang tanungin kung ano ang nadiscover niya working with Coco. "Nakita ko yung sipag niya sa trabaho, yung puso niya sa trabaho, yung passion niya sa trabaho." Sinabi rin niyang perfectionist ang binata at kailangang pulido ang eksena at dialogues before maging good take.

Kasama rin nila sa cast sina Tirso Cruz III, Ryza Cenon, Ryzza Mae Dizon, Baeby Baste, at marami pang iba.



No comments:

Post a Comment