Tuesday, January 29, 2019

Greg Hawkins Pinagsabihan ang Fans na Huwag Ibash si Ion Perez



Around the third week of this month, January 2019, ay nakuha na niya ang kanyang working visa. Under contract siya sa Viva for 5 years so hindi lang naman siya sa Kapamilya shows open, kundi sa ibang networks. Marami din siyang endorsements na dumating gaya nga nitong sa Prestige International na pagmamay-ari ni Mannix Carancho.  Bagaman kasabay niya sa special event si Ion Perez na pumalit sa kanya sa It's Showtime bilang "Kuya Escort", si Greg ay ang napiling official endorser ng kumpanya.

"Give him a shot," aniya regarding sa pambabatikos ng mga loyalists niya kay Ion. Buong humility na sinabi ni Greg na mas good-looking si Ion sa kanya. Huli silang nagkasamang dalawa sa party ni Vice Ganda. Plano niyang bisitahin ang Meme ng madlang people as suggested by the press people during interview. 

Kasama siya sa The Legal Mistress na teleserye sa Sari-Sari Channel. "I am very fortunate to play the role of Yui, whi is the best friend of Benedict, who is played by Ali Khatibi," chika ni Greg. Kasama rin dito sina Meg Imperial at Cindy Miranda na aminado siyang parehong maganda. Nang tanungin kung may intimate scene siya dito, inamin niyang me boundaries siya sa pagiging daring like stripping down to his underwear though kinlarify niya na never pa naman siyang inask gawin iyon.

Sa May ay babalik siya sa Amerika para maging best man sa wedding ng kaibigan. Inamin rin niyang totoo ang pag-gatecrash ng Russian models sa birthday niyang ginanap sa Revel at the Palace. Pagdating sa babae, wala siyang pake kung aggressive o quiet type ito. "What matters are values. You have to have a compatible set of values," eksplanasyon niya.

For bookings, kontakin lang ang kanyang manager na si Lito de Guzman. 




No comments:

Post a Comment