Saturday, February 2, 2019

Boobay at Tekla, May Exchange Gift Din?



First time magkatrabaho nina Boobay at Tekla dahil nga kahit noong aktibo sila sa comedy bars eh magkaiba sila ng lugar pati na rin ng booker. Kahit sa GMA 7 ay hindi pa sila nagkawork bago ang online show na pumatok at ngayon na nga ay mapapanood na tuwing Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Hindi kaila sa dalawa na isyu sa mga vieweres ang pagiging katapat nito ang talkshow na Gandang Gabi Vice sa kabila. Ayon sa Nielsen Phils. rating ay natalo ng pilot episode nila (5.3%) and kabila (4.9%). Isa sa notable segments ng The Boobay and Tehla Show (TBATS) ay ang Pranking in Tandem segment kung saan si Boobay ay pinrank ang isang masahistang seserbisyuhan dapat si Gladys Reyes at ginawa niya ito habang dinidiktahan ni Tekla via an earpiece.

January 27 ang start date ng TBATS at nag-evolve ito mula sa short-form online capsule format to a comedy program na may celebrity guests every week. Para sa long-time comedian na si Boobay, thankful siya sa overwhelming support ng fans at dinededicate niya ang show sa kanila.




"Nagpapasalamat ako sa GMA kasi nakita nila yung chemistry namin ni Tekla as comedy duo. Pero para sa akin, fans ang may kagagawan kung bakit kami mapapanood sa telebisyon. Kung hindi dahil sa suporta nila—sa libu-libong likes at views na binibigay nila sa amin sa bawat episode ng show namin, hindi kami mabibigyan ng chance ng GMA. Kaya maraming salamat talaga, para sa kanila ito,” aniya.

Sa kabilang banda, seryosong bagay kay Tekla ang paggawa ng comedy so gusto pa niyang galingan para mas palagiya ang mga tao.

“Yung nararamdaman ko is tuwa and at the same time, challenging din ito para sa amin ni Boobay kasi mabigat na responsibilidad ang comedy. Kung sa iba siguro pagpapatawa lang yun, pero para sa amin, seryosong bagay ito. Pero mas nangingibabaw yung feeling na lumevel up na kami kasi dati sa online lang kami nakikita, ngayon sa national television na. Buong mundo na ang makakanuod sa amin so pinapangako namin na mag-e-exert pa kami ng more effort and ideas,” aniya.



Wala mang naganap na exchange gift sa pagitan ng dalawa, nakipagpalitan naman sila ng galing sa charades with the bloggers nang sumali sila mismo sa games a few days ago. May kinlaro din silang mga bagay-bagay.

Inexplain ni Boobay na ang barbie-like wig niya na hawig ng kay Vice Ganda ay siya ang naunang gumamit at doon niya itp nabili sa may lugar nila. Kinlaro naman ni Super Tekla na masaya naman ang former partner niya na si Donita Nose pati na rin ang kasama ni Boobay sa comedy bar na si Ate Gay para sa kanilang dalawa.

Gaya ng nabanggit sa itaas, ito ay parte ng Sunday Grande tuwing 10:25pm to 11:25pm.


No comments:

Post a Comment