Wednesday, February 20, 2019

Karla Estrada, Pangungunahan ang 'Familia Blondina' sa Paghahatid ng Magagandang Asal



Babansagang bagong momshie ng komedya si Karla Estrada sa pelikulang 'Familia Blondina'.

Sa ilalim ng direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, ang 'Familia Blondina' ay umiikot sa kwento ni Cindy (Estrada), isang babaeng iniwan ang kanyang pamilya at tumungong Estados Unidos upang pakasalan ang isang Amerikanong sundalo. Mayroon silang tatlong anak at lahat ay blonde.

Nang pumanaw ang asawang Amerikano, iniwan sila nitong baon sa utang at kailangang bumalik ni Cindy ng Pilipinas upang itaguyod ang mga ito. Bagama't sunod-sunod ang kamalasan sa paghahanap ng trabaho, makikilala nito si Tony Boy (Jobert) na isang biyudo at may dalawang anak na blonde. Sila'y magiging isang pamilya at ipauunawa sa mga anak ang kaugalian at tamang asal ng mga Pilipino. 

Sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario na lumikha ng "Tanging Ina" movie series, ang 'Familia Blondina' ay may mithing magdala ng saya at katatawanan sa pamilyang Pilipino.




Kasama ni 'Queen Mother' sa pelikula ang ilan sa mga pinakasusundang batang aktor at aktres sa industriya tulad nina Marco Gallo, Kira Balinger, Xia Vigor, Chantal Videla, Heaven Peralejo, at Awra Briguela. 

Mula sa produksyon ng Arctic Sky at inihahatid ng Cinescreen, ipapalabas ang 'Familia Blondina' sa mga sinehan simula ngayong Pebrero 27.


No comments:

Post a Comment