Thursday, December 12, 2019

Whiterose ng Mr. Robot at Black Rose ng Beautiful Justice, Posibleng Magkapatid?



Mamayang gabi ay papasok na ang character ni Alice Dixson na Blackrose sa Beautiful Justice na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, at Bea Binene.

Si Blackrose ang lider ng La Familia na isang drug-dealing syndicate na may mga galamay maging sa kapulisan at gobyerno. Ganun din si Whiterose (BD Wong) pero siya naman ay lider ng Chinese hackers, isang cyberterrorist na may love-hate relationship sa E Corporation, na gaya ng La Familia ay isang central figure sa mundo ng Mr. Robot bago pa man lumitaw ang mga tunay na kontrabida behind all this farce.

Pumunta tayo sa droga. Di naman kaila sa iba na napakalaki ng ambag ng Chinese sa droga. Not to be racist pero kapag sinabi mong drugs ang nationality agad na maiisip mo ay Chinese o Mexican. May pagkachinita si Blackrose so pasok na pasok siya sa pagkakaroon ng Chinese blood. Plus, pareho pa silang smokers at may 2 main assistans, isang babae at isang lalaki. Talk about cosmic connection sa magkapatid na nawalay, ay!




Ang isa pang connecting factor ay ang Congo. Sure, hindi pa nabanggit ang Congo sa Beautiful Justice pero parang Season 1 pa lang till Season 4 ay bukambibig na ni Whiterose ang proyekto niya sa Congo with watching super irritated face.

So, ano ba talaga ang meron sa Congo? Droga, mga kapatid. Kung gagawihang basehan ang HunterxHunter characters sa lupit ng druglords sa Pilipinas compared sa Congo, Leorio lang yung sa atin samantalang Meruem o adult Gon na yung kanila.

Isa pang crazy theory ko ha, bilang me hawak na cue stick si Blackrose like si Jeanette Lee aka Black Widow na ayon sa research ko ay 48 yo ay posibleng 3rd sister pa nga ang bilyaristang nakalaban ni Efren Bata Reyes. Iresearch nyo magkakalapit edad nila OMG lungs.

 Si Alice Dixson ay si Black Rose, ang leader ng Brotherhood! Siya na ba ang magpapabagsak kay Charmaine at sa La Familia? Manood mamayang gabi,.


Abangan siya sa Beautiful Justice!





No comments:

Post a Comment