Friday, March 15, 2024

Jerald Napoles and Nicco Manalo, Mananakot at Magpapatawa sa Pagpag 24/7




Sina Jerald Napoles at Nicco Manalo ang BFFs at comedic duo na bibida at aabangan sa pinakabagong horror-comedy movie ng Viva Films – Pagpag 24/7, in cinemas this March 20, 2024  


Ito ay tungkol sa matalik na pagkakaibigan na binuo ng matibay na samahan, at kung paano nila kakayaning lampasan ang kahit na ano, kahit pa ang pagharap sa mga nakakatakot na multo. 

 

Mula sa direksyon ng up-and-coming director na si JR Reyes, ang PAGPAG 24/7 ay hango sa isang pamahiin ng mga Pinoy na “Pagpag.” Isang paniniwala na kapag galing ka sa isang lamay, kailangan mo muna magpunta sa ibang lugar at hindi diretsong umuwi sa bahay. Sa paggawa nito pinaniniwalaan na malilito ang espiritu na sumusunod sayo at hindi ka na nito masusunduan pabalik ng bahay. Kadalasang nagpapagpag ang mga tao sa mga 24-hour fast food places at mga convenience store dahil ito ang mga lugar na bukas kahit na alanganing oras o madaling araw. 


Sina Mitoy (Jerald Napoles) at Boying (Nicco Manalo) ay mag best friends na magkaiba ang ugali. Si Mitoy ay matino, masunurin, at mabait, samantalang si Boying ay ang matigas ang ulo na gagawin ang kahit na anong gusto. Kahit na malaki ang pagkakaiba, madalas magkasundo ang magkakabata at alam nila na lagi silang nandyan para sa isa’t isa. Pero lahat ‘yon ay magbabago nang mahuli si Mitoy at Boying na nagnanakaw sa isang convenience store, si Mitoy lang ang madadampot at makukulong, kahit na si Boying ang nagpasimuno ng plano. 






Magkakalayo ang loob ng dating magkaibigan, at si Boying ang sisisihin ni Mitoy sa lahat ng mga kamalasang dinanas niya. Muli silang magtatagpo nang makalaya si Mitoy at naging magkatrabaho sa isang punerarya. Ikagugulat din ng lahat na para bang nagkapalit na ng ugali ang dalawa, si Mitoy na ngayon ang maraming alam na kalokohan, habang si Boying naman ay nagpapakatino na sa buhay. 


Sa isang gabing hindi inaasahan, matatagpuan na lang nina Mitoy, Boying, at ilang mga minalas na tao na hindi sila makalabas sa isang convenience store, ang parehas na lugar na nagdulot noon ng matinding bangungot sa buhay nina Mitoy at Boying. At kahit na bago at moderno na ang itsura ng tindahan, nasa loob pa rin nito ang mga multo ng nakaraan at iba pang mga kaluluwang ligaw na gustong maghiganti at naghihintay lamang sa susunod nilang biktima. 






Kasamang bibida nina Jerald Napoles at Nicco Manalo sa pelikula sina Wilbert Ross, na gaganap bilang Jimboy, isa sa mga kaluluwang pinagpag sa convenience store, si Nikko Natividad naman ay gaganap na Pio, isa sa mga customers na natrap sa loob ng tindahan, at si Danita Paner bilang Leah, kasama ni Pio na hindi rin makalabas, long time crush rin ni Mitoy. Makakasama rin nila sina Dindo Arroyo bilang ang mapagmalupit na si Mang Kanor, sina Janet Dancalan, Butchoy Ubaldo, Cherry Malvar, at Jyra De Guzman. 


Sabay-sabay tayong tumawa, matakot, at sama-samang magpagpag. PAGPAG 24/7 - in cinemas nationwide ngayong March 20, 2024.


No comments:

Post a Comment