Saturday, October 22, 2016

Barbie, Nagkalat sa Screening ng QCinema Closing Film na Area



Nagkalat ng kakyutan si Barbie Forteza habang iniinterbyu ng isang TV network. Kitang-kita naman sa mga larawan.





Hindi man cast member sa Area, nakatrabaho na niya ang direktor nito na si Louie Ignacio sa isang pelikula ni prinodyus din ng BG Productions, ang Laut kung saan siya ang bida. 


Dahil sa pelikulang ito na umiikot sa buhay ng mga Badjao o Sama D' Laut, nanalo siya para sa kategoryang Best Actress ng Fantasporto International Film Festival (Portugal).



Tulad ng Laut, ang Area ay masasabing award-winning na rin sapagkat nanalo na ito ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival na ginanap sa Kazakhstan. Ito ay tungkol sa mga laos na putang nakatira sa iisang bahay.




Magkakaroon ang pelikula ng European Premiere sa Panorama Section ng Talinn International Film Festival na gaganapin sa Estonia sa darating na Nobyembre. 

Ito ay pinagbibidahan nina Ai-Ai De las Alas, Allen Dizon, Sancho Delas Alas, Sue Prado, Sarah Brakensiek, at iba pang mahuhusay na aktor kabilang ang mga produkto ng Holy Angel University.



Ang pelikula ay may premiere night sa Pampanga ng November 6 at November 9 naman sa selected Metro Manila cinemas nationwide. Patuloy talaga ang pamamayagpag ng BG Productions na pag-aari ni Ms. Baby Go!

****Last three photos from AREA Facebook page

WATCH THE TRAILER HERE!!!

No comments:

Post a Comment