Wednesday, March 21, 2018

Ara Mina, Mas Gusto Pang Ikasal sa Cake?



"Dati dream ko pero bahala na," sabi ng actress nang tanungin tungkol sa marriage. Sa ngayon ay busy siya sa kanyang career at ang blooming business niya na Hazelberry Cafe. 1st year anniversary ng dessert place last March 14 at dumalo rito ang malalapit niyang kaibigan in and out of showbiz. May buffet featuring the bestsellers ng cafe pati na rin mobile bar sa mga may gusto ng alcoholic drinks. Naroon din siyempre ang kanyang ex-boyfriend na si Bulacan Mayor Patrick Meneses at ang anak niya ditong si Mandy. Ito ay located sa Puwesto Community Mall sa Holy Spirit Road Don Antonio Heights, Quezon City.

"Bestsellers yung Velvet Cupcake and Oreo Cheesecake," paglalahad niya. True enough, nang matikman ng inyong lingkod ang cake eh kakaiba ang consistency nito, nalalapit na sa brownie pero malambot at sumasabog unti-unti ang flavor kapag nginuya mo. Applicable ito sa lahat ng cake na natikman namin. Tamang tamis lang na hindi nakakaumay.

May partners rin naman siya dito so hindi siya sole owner pero siya ang majority stakeholder. Hazel Ara ang tunay niyang name kaya noong nauso ang Blackberry phone, Hazelberry ang ginamit niyang nickname na reason kung bakit ganito ang pangalan ng cafe.




"Nakakatuwa nga si Kuya Raymond [Bagatsing], pumunta dito nung isang araw, hindi man lang ako sinabihan," kwento ni Ara tungkol sa kanyang castmate sa Araw Gabi, isang bagong Kapamilya teleserye kung saan kasama niya rin sina JM De Guzman, Barbie Imperial, Vina Morales, Rita Avila, atbp. "Maraming artista...even Carlo Aquino pumunta dito, kumakain. Hindi nila ako sinasabihan," natatawang dugtong niya.

Nag-alay ng awitin sina Martin Rivera at Jan Marini matapos ang ribbon-cutting ceremony. Kasama rin ng huli ang asawa nitong si Gerard Pizarras. Isa sa mga maagang dumating na hapon pa lang ay nasa Hazelberry Cafe na ay ang social media darling na si Donnalyn Bartolome, na nakapanayam ko ng kaunti at sinabing may gagawin siyang thriller with Ella Cruz na ididirect ni Richard Somes.




Kung mapapansin sa menu, may Pasta ala Ara na nakalagay kasi lahat ng pasta dishes na nandoon ay recipe niya. Specialty niya ang truffle pasta. "Yung seafood pasta dati kong recipe sa Italian restaurant ko kung natatandaan ninyo...yung Serie a Italia."

Ang Hazelberry Cafe ay mayroon ding branch sa The Yard Food Park in Angeles City Pampanga (cakes only). Makakasama din ang cake sniya sa menu ng restaurant ni Gladys Reyes na Stella sometime this March. Posible ring magkaroon siya ng branch sa Southern NCR dahil nagsimula na siyang mag-ocular doon. Naka-ROI na siya pero gusto niyang huwag biglaang mag-expand at magfocus muna sa one branch at a time. Sa ngayon ay inaayos niya ang papers para possibleng magfranchise ang mga may gusto.



No comments:

Post a Comment