Saturday, March 17, 2018

Biguel, Talo Nga Ba ang Lizquen at Kathniel Dahil sa Kambal Karibal?



Kumakailan lang ay idinaos ang Bagani Thanksgiving Presscon sa Dolphy Theater ngunit kasabay nito ay ang paglabas ng Nielsen Phils Tam (Nutam) ratings kung saan neck to neck ang labanan ng dalawa. Nakasaad dito na noong March 13, 2018 ay 10.6% ang ratings share ng Kambal, Karibal (KK) laban sa 10.3% ng Bagani. Ito ay base sa overnight data kung saan ang latest ay ang March 15 na medyo mas lumaki ang agwat dahil 11.6% na ang KK samantalang 11.0% naman ang kalaban nito.

Ang Biguel ay ang loveteam ng Kapuso channel na kinabibilangan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Sa mga hindi pa nakakasubaybay, ang KK tungkol sa kambal na sina Crisanta (Bianca) at Criselda (Pauline Mendoza). Sa pagkamatay ni Criselda ay nagkaroon ito ng kakayahang magpakita kay Crisanta. Magkakaroon sila ng hidwaan dahil pareho silang maiinlove kay Diego (Miguel) at dahil na rin sa pagbuhos ng atensyon ng ina nila sa buhay pa niyang anak. Eventually, sasanib si Criselda kay Cheska (Kyline Alcantara) at doon magsisimula ang misyon niyang bawiin ang pakiramdam niyang dapat ay kanya. 

Noong January 15 ay pumutok ang news na sa same source ay 10.5% ang KK at 10.4% naman ang La Luna Sangre. Breakout project ang KK nina Pauline Mendoza at Kyline Alcantara.


No comments:

Post a Comment