Thursday, January 24, 2019

The One 690 Di Lang Pambakla Kundi Para sa Lahat ng Naghahanap ng World Class Spectacle

Inilunsad ng matagumpay na negosyante at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino ang evolution ng entertainment bar. Kakaiba ang 24 production number na inihanda na swak sa mga millennial.
Level up na ang mga masasaksihang palabas sa The One 690 na matatagpuan sa 39 Roces Ave., Quezon City infront of Amoranto Sports Complex.
Iba na ang kalidad na mapapanood ngayon sa apat na dekada ng The One 690.





Nagsimula ito noong 1972. Naabutan pa ang martial law na kung saan ay may curfew . Bawal pa pumasok ang mga babae noon. Itinayo ang Club 690 ni Boy Fernandez at pinamahalaan ni Raoul Barbosa. Pansamantala itong nagsara hanggang muling binuksan ni Sir Wilbert katuwang ang co-owner manager na si Mami Genesis Gallios. Tinawag na itong The One 690. Sila rin ang nagkonsepto ng ebolusyon ng show.
“Since 2004 binigyan ako ng basbas na ipagpatuloy ang 690 ni Boy Fernandez sa akin dahil nakita nya ang passion ko sa entertainment industry & the rest is history,” paglalahad ni Sir Wilbert.





Sa pagdaan ng panahon babae na ang nagsusulputan sa ganitong klaseng entertainment bar. Hindi na solo ng mga kabadingan. Puwede na sa lahat ng gender.Hindi na kailangang magdalawang isip pa ang mga babae para pumasok.
So, The One 690 ang ang unang magsi-set ng high standard caliber ang entertainment sa henerasyon ngayon.
Inihain nila ang makabagong production number na pasado sa panlasa ng mga kababaihan at sangkabekihan. Mas fabulous., amazing ang show na pasabog ang costume. Nandiyan ang Las Vegas-type shows, Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris. Pang-world class talaga.




Of course, hindi pa rin nawawala ang mga seksi at guwapong modelo sa kanilang katakam-takam na performance.
“ ‘Yung 24 production number ay teaser pa lang . Inimbitahan ang mga committee , press, bloggers para makapanood at makapagbigay ng pointers, score at survey para sa unang pasabog ng THE ONE 690 step up 2019 & LEVEL UP Millennials production show. Ang One 690 ay tinatawag na “THE CLUB THAT STARTED IT ALL ng Pilipinas . Siya rin ang kauna-unahang gay bar entertainment bar na may billboard sa EDSA at sa mga highway,” bulalas pa ni Sir Will.
“Ni-level up namin ang The One 690 dahil girls night out na ang trending sa millennials.Maraming ganap na rin gaya ng bridal shower party.




“Open minded na ang society ngayon compare sa 70’s 80’s & 90’s na henerasyon Sumasabay na ang entertainment bar sa makabagong panahon,” sambit pa niya.
Nagpasalamat din siya sa mga taong naniniwala sa kakayahan nila ni Genesis sa entertainment industry at sa suporta nakukuha nila sa mga parokyano.
Bolder. Wiser. Sexier kung isasalarawan ang THE ONE 690 ENTERTAINMENT BAR. May tagline din ito na IT’S QUALITY MEN ENTERTAINMENT . Bisitahin ang kanilang website na www.690manila.com

Bukod dito, nag-decide sina Wilbert at Genesis na magtayo pa rin ng bagong entertainment bar na APOLLO WORLD CLASS MALE ENTERTAINMENT & KTV BAR. Matatagpuan naman ito sa 717-B Roxas Boulevard, Paranaque City (malapit sa Baclaran). Gaya sa The One 690 mapapanood din dito ang mga pasabog na production show.
"’Old school gay bar' no more!," pagtatapos ni Sir Wilbert.




*First 3 photos by JR Noses

No comments:

Post a Comment