Monday, February 25, 2019

Pagganap ni Maymay Entrata sa Buhay ni Catriona Gray sa MMK, Kasado na?



Bagaman walang direktang anunsyo, umalingawngaw sa buong Araneta bago ang pagrampa ng female half ng Mayward na siya ang personal choice ng Miss Universe 2018 na gampanan ang kanyang buhay. Mapapansin din ang napakahabang video intro featuring Maymay bago ang mini-fashion show niya kasama ang top Pinay beauty queens ng henerasyong ito.

Ginanap kagabi ang Raise Your Flag na homecoming concert kung saan ang opening number ay ang ngayo'y world renowned na TNT Boys kasama sina Morissette Amon at Jed Madela. Ang host ng gabi ay si Boy Abunda at nasorpesa si Cat matapos lumabas ang kanyang mga magulang na buong akala niya ay wala sa bansa.

Kasamang rumampa ni Maymay sina Maxine Medina, MJ Lastimosa, Ariela Arida, Shamcey Supsup, Venus Raj, Rachel Peters, Michele Gumabao, Jehza Huelar, at ang well-applauded na si Pia Wurtzbach. 



Matapos ang lahat ay si Cat naman ang lumabas suot ang iconig gown ni Mak Tumang sabay lava walk.

Siyempre hindi mawawala sa eksena sa Vice Ganda na may interbyu ala GGV for more than half an hour kay Cat tungkol sa different topics gaya ng mga nakasama niya sa Miss Universe, utot, sampal ni Wolverine, etc.



Naroon din ang kids from Young Focus na charity group sa matagal nang pinagsisilbihan ni Cat. Inalayan siya ng rosas ng mga ito.



Nagspeech din si Cat tungkol sa laki ng pasasalamat niya at kung paano niya magagamit ito para ipagpatuloy ang kanyang advocacy. Nagpasalamat rin siya kay Stella Araneta na pageant director ng Binibining Pilipinas Charities, Incorporated (BPCI) na siya pa ring may hawak ng franchise ng Miss Universe Philippines



Ang last portion ng show ay ang dalawa pang musical numbers ay ang pagserenade ni Bamboo kay Catriona Gray with 214 at ang first live performance ng Raise Your Flag nina KZ Tandingan at Kritiko. 


No comments:

Post a Comment