Monday, November 18, 2019

Pelikulang Adan, May Bayag Kahit Parehong Pechay ang Bida



Mahigit kalahating milyon ang views ng trailer ng pelikulang Adan na pinagbibidahan nina Cindy Miranda at Rhen Escano, dalawang palabang mga dalaga na sumabak sa maiinit at mapangahas na eksena sa ilalim ng direksyon ni Roman, Perez Jr.

Umiikot ang istorya sa pagkakaibigan nina Ellen (Rhen) at Marian (Cindy) na simula pagkabata ay maganda na ang chemistry. Nang hindi makabayad ang magsasakang ama (Bembol Roco) ni Ellen ng utang nila kay Allan, kukumplikahin ng sitwasyong ito ang pagkikita ng dalawa kaya mauuwi ito sa isang kinabukasang walang katiyakan sa dalawang magkadaop ng palad.

Lubos na ipinagmamalaki ni Cindy ang pelikula na maging sina Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez ay tinapos. Inamin niyang niyaya lang niya ang dalawa at hindi nila nakita ang trailers kaya prior ay wala silang idea na ito ay isang erotic thriller. 

Sa pelikulang ito ay ang mga babae ay nakukuha ang kanilang gusto, umabot man sa sukdulan at madugong pagpupursigi. Walang kiyeme ang dalawa sa pagbalandra ng dalawang bundok nilang mapipintog. Si Rhen ay may mga nakakapanginig laman nang mga eksena dati sa Magdalola pati na rin sa Untrue samantalang si Cindy naman ay may nakalinya na uling mga pelikula na mas magpapakita ng kanyang flexibility.

Nitong taong 2019 ay mas nagexplore ng iba't ibang genre maliban sa romcom ang Viva Films. Wag mainip at matutunghayan n'yo na ito ngayong November 20 in cinemas nationwide.

No comments:

Post a Comment