Tuesday, November 5, 2019

Vice Ganda at Anne Curtis, Nagkasakitan sa Set ng The Mall, the Merrier?



"Sa Showtime kasi, puro verbal ang okrayan namin [Anne Curtis]. Dito, physical," sabi ni Vice Ganda na sa kanyang gayak ay maaalala mo si Vilma Santos. Silang dalawa ang bibida sa The Mall, The Merrier na isang official entry ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival 2019.

"Akala ko madali...action siya meets comedy meets fantasy meets drama," amazed na sabi ni Anne. Pinuri ni Vice si Anne kasi dahil nga sa Buy Bust ay wala itong kiyeme sa actiom scenes kahit malakasang bugbugan na siya namang kinailangan niyang sabayan kaya challenging for Vice. Okey din daw sa comedy si Anne at gaya ng past Vice Ganda films, tinease niya ang multiple cameos ng various big stars.

Aminado si Vice na pinakamasaya niya itong Halloween na kasama si Ion Perez. Kinwento niya na last minute decision pala ang Japan at nasa Italian embassy pa ang visa ng barkada niya at late lumabas kaya di natuloy ang plano nilang pumunta sa Korea.

Ang pangalan ng character ni Vice ay Tita Moody samantalang Morisette naman ang kay Anne. Kasama rin nila sa pelikulang ito ang mga ilan sa Kadenang Ginto cast members na sina Dimples Romana, Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz. Ang iba pang supporting cast ay sina Tony Labrusca, Chad Kinis, John Prats, Isabel Oli, Brenda Mage, at Lassy Marquez.

Matatandaan na noong episode ng Gandang Gabi Vice last Sunday November 3, guest ni Vice and Kadenang Ginto stars at nagkaroon ng showdown sina Negi at Brenda Mage bilang Romina at Daniela.






No comments:

Post a Comment