"For seven months, I went to New York tas dun muna ako tumira. I took up improv comedy lessons," pahayag ni Rhian. Matatandaan na ang huling soap opera ng aktres na sinasabing hawig ni Taylor Swift ay ang The One That Got Away na May 2018 pa nagtapos.
Mapapasok na naman siya sa isang love triangle dito sa Love of my Life bilang si Kelly Generoso, online seller na nagkaanak kay Stefano Gonzales (Tom Rodriguez) at mapipilitang tumira sa isang bubong kimkim ang sama ng loob mula sa nakaraan kasama si Adelle Nisperos (Carla Abellana), ang pinakasalan ni Stefano.
Kasama rin sa main cast sina Mikael Daez as Nikolai Gonzales, ang pasaway na younger brother ni Stefano. at Ms. Coney Reyes as Isabella Gonzales, ang highly successful businesswoman mother ni Stefano.
Importante din ang roles bilang supporting cast nina Vaness del Moral as Joyce, ang mahigpit pero supportive na kaibigan ni Adelle, na tumutulong rin sa kanyang magpatakbong handicraft business; Geleen Eugenio as Manang Eden, ang family cook ng mga Gonzales at matandang dalagang mabait; Samantha Lopez bilang Janice, ang fashionista at loyal na PA ni Isabella; Mae Bautista as Cha-mae, ang masiyahin at kikay na kaibigan ni Adelle na trabahador din niya; Ethan Hariot as Gideon, ang anak ni Kelly kay Stefano; Raphael Landicho as Andrei, ang anak ni Adelle sa ex niya; Levi Ignacio as Mang Arsing, ang pinagkakatiwalaang driver ng mga Gonzales na naging malapit na kaibigan na rin ng mga anak ni Isabella; Carl Guevarra as Kiel, close confidante at kasosyo sa negosyo ni Stefano; Dino Pastrano as Elmer, kapatid ni Adelle na nagmamanage ng farm nila; Anna Marin as Siony, ang malambing na nanay ni Adelle; at si Johnny Revilla sa isang special role.
Ang Love of my Life na drama soap ay magsisimula sa February 3 matapos ang The Gift.
Di tulad ng ibang pamilya ang mga Gonzales. Si Isabella (Coney), ang matriarch, ay isang mayamang biyuda na mataas ang standards at di titigil para makamit ang makabubuti para sa kanyang pamilya. Si Nikolai (Mikael), and nakababata niyang anak, ay lumaking rebellious matapos maging dahilan ng isang traumatic family accident na ikinasawi ng kanyang ama.
Magkukrus ang landas nina Stefano at Adelle (Carla) at kahit na tutol si Isabella sa kanyang napili ay di nito mahahadlangan ang kanilang pag-iisang dibdib. Magbabago ang lahat nang madiagnose si Stefano ng terminal illness at mag-aadjust ang mga pangunahin nating tauhan ng kani-kanilang ego para gawing memorable ang mga natitirang araw ni Stefano.
Isang original creation ng GMA Entertainment Group, ang Love of my Life ay nabuo sa ilalim ng supervision ng production team na pinamunuan ng SVP for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable, VP for Drama na si Redgie A. Magno, AVP for Drama na si Cheryl Ching-Sy, Senior Program Manager na si Cathy Ochoa Perez, at Executive Producer na si Michelle Borja.
Ang teleseryeng ito ay produkto ng visionary minds nina creative director Aloy Adlawan; creative head Suzette Doctolero; creative consultant Agnes Gagelonia-Uligan; headwriter Ronalean Sales; writers Ana Aleta Nadela, Dang Sulit-Marino at brainstormers na sina Gilda Marcelino at Nehem Dalliego.
Si Don Michael Perez ang direktor nito at weeknights ito simula February 3 sa GMA Telebabad.