Sunday, July 19, 2020

KarJon at KaoRhys, Good or Bad Para sa 'The Four Bad Boys and Me'?



"Wala na akong ibang makitang pwedeng maging Candice bukod kay Kaori talaga."

"Iba talaga yung mukha ni Kaori. Pasok siya as Candice talaga."

Masaya ako kay Kaori at alam kong mabibigyan niya ito ng justice."

The author is referring to Kaori Oinuma, who will be playing Candice Gonzales, na similar to Shan Cai of F4 eh pinaliligiran ng apat na cute but kinda bad boys.

Hindi surprising kasi aminado naman Ang writer na inspired ito ng 'Boys Over Flowers', the material which actually inspired 'Meteor Garden'.

Bakas ang sincerity sa mukha ni Tina Lata aka Blue Maiden of Wattpad during the cast reveal ng 'The Four Bad Boys and Me' na isinagawa niya sa kanyang Youtube channel. Very satisfied siya sa casting decision ng Star Cinema, na magproproduce nitong experimental genre which is a lovecast.




You can tell by the way na magsalita siya ng malumanay that she is more of the reserved and quiet type of person like most popular writers instead of the outgoing and showy ones.

7 years ago nagstart ang series na ito sa Wattpad but 2014 siya nagstart makakuha ng loyal readers. Eventually, the readership base grew to millions and it ended up being published by Summit Media under its Indie Pop division.

Siyempre, kung may Kaori ay may Rhys Miguel, who will be playing Jeydon Lopez, isang bad boy na mapang-asar at magaling sumayaw.

Together, ang KaoRhys ay may combined 123K Facebook following (100K kay Kaori at 23K kay Rhys). So, combine that with the FB followers of Karina Bautista (214K) as cheerleader Tiffany Chua and her ka-loveteam Aljon Mendoza (205K) as Troy Mendoza na makulit and joker ng group, you get 552K from Facebook alone. Sa Instagram naman ay ang total nila ay nasa almost 4M with Kaori (1.3M),  Rhys (337K), Karina (1.2M), and Jon (762K).

So, dapat ay magfocus ang Star Cinema ng marketing efforts nila sa Instagram dahil bukod sa maraming users nito ay pasosyal and most likely ay may access sa internet capable of streaming their content, eh dito malaki ang influence ng kanilang stars.

Idagdag mo pa ang reach ni Maymay Entrata na 496K sa FB and 5.3M sa IG (more than Kaorhys and Karjon combined). Maymay kasi will be playing a special role as DJ Sari.




So, the big influencer artistas of the cast have over 9M in total na influence sa IG. How about the other people sa main cast?

Ang new character na wala sa book is Ma'am Tina who will be played by Alora Sasam (520K), theater veteran Jenny Jamora (1,645) as Candy Gonzales, Chie Filomeno (2.8M) as mataray na queen bee Stacy Chua, Mark Rivera (43.1K) as the "oldest bad boy" at basagulerong si Charles Gonzales, and Jeremiah Lisbo (33.8K) as Marky Lim, ang tahimik na bad boy at third wheel ng JeyDice (Jeydon and Candice).

So, that puts their total IG following to above 12M. Meaning, kapag inapply natin ang rule of engagement which is 2% ng following mo, safe to say na more than 100K streams o specifically 240K up ang streams na pwede nilang makuha.

But, this is a computation based sa IGTV. May factor ang pagiging cross platform, meaning wala wala nito sa IG kung saan nandun ang following nila but nasa iba mapapanood. Buti na lang at napakalaki ng following ng Star Cinema page sa FB which is 7M.

Bukod kasi sa Facebook and Youtube ng Star Cinema ay nasa Spotify rin ito. Like I mentioned, special ang 'Listen to Love' series ng Star Cinema because may audiobook format siya.



Uso sa Wattpad world ang portrayers, o yung Korean actors and actresses na ginagamit ng authors ang photos para masatisfy ang imagination ng readers when it comes to ano ba ang possible itsura ng characters sa totooong buhay.

In connection with this, siyempre may hatak ito sa Kpop and Kdrama fans nung portrayers. Sa Youtube channel ni Polar Light na may fanmade music video trailer ng Wattpad series ay nakahatak ito ng 708K views. So, may hope naman kahit papaano na lumagpas ng half a million views at least ang stream nila sa Youtube.

I-add pa natin ang factor na though about half of the main cast have no active Youtube account, kapag sinearch mo ang names nila, eto ang pinakamaraming views na nakuha nila: PBB Otso Teens collectively (including KaoRhys and Karjon) 5.2M, Maymay Entrata (10M), and Chie Filomeno (850K).

Sa kanilang lahat ay si Maymay lang ang me pag-asang makahatak sa Spotify given that she has released songs which has performed well. She has a modest above 50K monthly listeners there and Kakayanin Kaya got 3.5M streams..

Ang kaibahan kasi ng Spotify ay mas maganda ang engagement-followers ratio dun. Ang worst streamed na ni Maymay ay ang 'I Love You 2', na nasa 19k, more than a third of her following.




So, set aside the confusing numbers na nilapag ko and focus on my prediction. TFBBAM will have at least half a million streams minimum and 5M maximum during its first week sa Youtube. It will finally being the subscriber base of Star Cinema sa Youtube from 2.8M to 3M.

Sa Facebook ng Star Cinema, it can go from 1M to 3M in a week. Mas madali kasing madistract ang mga tao sa FB kaya mababa ang maximum potential dito though I think mas mabilis tataas ang views dito in the 24-hour period.

Sa Spotify ay swerte na na maka-50k ito. I hope talaga na iconsider ng Star Cinema na i-utilize ang IGTV kasi even ang fashion show ng Gucci ay inistream dito.

Yes. I think this material will be a success. Added factor din na ang director nito na si Joel Ferrer ay may indie following somewhat so it would also make the people with finer taste in pop culture curious aside from the "bakya" and teenage crowd.

No comments:

Post a Comment