Saturday, March 7, 2020

ROXANNE, NAGMAHAL NG BABAE AT LALAKI SA “FLUID” NG iWANT



Papatunayan ni Roxanne Barcelo na walang limitasyon ang tunay na pag-ibig sa bagong romcom na “Fluid,” kung saan mahihirapan siyang mamili sa isang babae at dating nobyo. 
Mapapanood na ito sa iWant simula Marso 13. 

Susundan ng “Fluid” ang makulay na buhay ni Mitch (Roxanne), na susubukang mag-move 
on matapos lokohin at saktan ng ex-boyfriend. 

Kahit hindi pa nagkakarelasyon sa isang babae, susubukang makipag-date ni Mitch (Roxanne) sa mga babae matapos makumbinsi ng mga kaibigan. 

Kahit na bigo sa una, makikilala niya si George (Ann Colis), isang proud na lesbian na b bubuksanang isipan ni Mitch at ipapadama sa kanya ang saya at suportang hindi nakuha sa 
dating relasyon. 

Ngunit manganganib na maudlot ang pagtitinginan ng dalawa dahil papasok sa eksena ang ex-boyfriend ni Mitch na si Jacob (Joross Gamboa) para makipa-ayos.




Patawarin kaya ni Mitch ang si Jacob at makikipagbalikan ditto, o pipiliin niya ba si George, ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso? 

Ang “Fluid” ay isa na namang handog mula sa direktor na si Benedict Mique, ang nagdirek din ng “MOMOL Nights,” ang pinakapinanood na iWant original movie.

Pinrodyus ito ng Lonewolf Films at isinulat nina Carlo Baltazar Ventura, Benedict Mique, at Benjie Mique. Tampok din sa cast nito sina Janice de Belen, Al Tantay, Zar Donato, J-Mee 
Kantayag, at Emmanuelle Vera. 
Umibig at makitawa sa “Fluid” simula Marso 13 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. 

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter 
at @iwantofficial sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.


No comments:

Post a Comment