Sunday, July 19, 2020

KarJon at KaoRhys, Good or Bad Para sa 'The Four Bad Boys and Me'?



"Wala na akong ibang makitang pwedeng maging Candice bukod kay Kaori talaga."

"Iba talaga yung mukha ni Kaori. Pasok siya as Candice talaga."

Masaya ako kay Kaori at alam kong mabibigyan niya ito ng justice."

The author is referring to Kaori Oinuma, who will be playing Candice Gonzales, na similar to Shan Cai of F4 eh pinaliligiran ng apat na cute but kinda bad boys.

Hindi surprising kasi aminado naman Ang writer na inspired ito ng 'Boys Over Flowers', the material which actually inspired 'Meteor Garden'.

Bakas ang sincerity sa mukha ni Tina Lata aka Blue Maiden of Wattpad during the cast reveal ng 'The Four Bad Boys and Me' na isinagawa niya sa kanyang Youtube channel. Very satisfied siya sa casting decision ng Star Cinema, na magproproduce nitong experimental genre which is a lovecast.




You can tell by the way na magsalita siya ng malumanay that she is more of the reserved and quiet type of person like most popular writers instead of the outgoing and showy ones.

7 years ago nagstart ang series na ito sa Wattpad but 2014 siya nagstart makakuha ng loyal readers. Eventually, the readership base grew to millions and it ended up being published by Summit Media under its Indie Pop division.

Siyempre, kung may Kaori ay may Rhys Miguel, who will be playing Jeydon Lopez, isang bad boy na mapang-asar at magaling sumayaw.

Together, ang KaoRhys ay may combined 123K Facebook following (100K kay Kaori at 23K kay Rhys). So, combine that with the FB followers of Karina Bautista (214K) as cheerleader Tiffany Chua and her ka-loveteam Aljon Mendoza (205K) as Troy Mendoza na makulit and joker ng group, you get 552K from Facebook alone. Sa Instagram naman ay ang total nila ay nasa almost 4M with Kaori (1.3M),  Rhys (337K), Karina (1.2M), and Jon (762K).

So, dapat ay magfocus ang Star Cinema ng marketing efforts nila sa Instagram dahil bukod sa maraming users nito ay pasosyal and most likely ay may access sa internet capable of streaming their content, eh dito malaki ang influence ng kanilang stars.

Idagdag mo pa ang reach ni Maymay Entrata na 496K sa FB and 5.3M sa IG (more than Kaorhys and Karjon combined). Maymay kasi will be playing a special role as DJ Sari.




So, the big influencer artistas of the cast have over 9M in total na influence sa IG. How about the other people sa main cast?

Ang new character na wala sa book is Ma'am Tina who will be played by Alora Sasam (520K), theater veteran Jenny Jamora (1,645) as Candy Gonzales, Chie Filomeno (2.8M) as mataray na queen bee Stacy Chua, Mark Rivera (43.1K) as the "oldest bad boy" at basagulerong si Charles Gonzales, and Jeremiah Lisbo (33.8K) as Marky Lim, ang tahimik na bad boy at third wheel ng JeyDice (Jeydon and Candice).

So, that puts their total IG following to above 12M. Meaning, kapag inapply natin ang rule of engagement which is 2% ng following mo, safe to say na more than 100K streams o specifically 240K up ang streams na pwede nilang makuha.

But, this is a computation based sa IGTV. May factor ang pagiging cross platform, meaning wala wala nito sa IG kung saan nandun ang following nila but nasa iba mapapanood. Buti na lang at napakalaki ng following ng Star Cinema page sa FB which is 7M.

Bukod kasi sa Facebook and Youtube ng Star Cinema ay nasa Spotify rin ito. Like I mentioned, special ang 'Listen to Love' series ng Star Cinema because may audiobook format siya.



Uso sa Wattpad world ang portrayers, o yung Korean actors and actresses na ginagamit ng authors ang photos para masatisfy ang imagination ng readers when it comes to ano ba ang possible itsura ng characters sa totooong buhay.

In connection with this, siyempre may hatak ito sa Kpop and Kdrama fans nung portrayers. Sa Youtube channel ni Polar Light na may fanmade music video trailer ng Wattpad series ay nakahatak ito ng 708K views. So, may hope naman kahit papaano na lumagpas ng half a million views at least ang stream nila sa Youtube.

I-add pa natin ang factor na though about half of the main cast have no active Youtube account, kapag sinearch mo ang names nila, eto ang pinakamaraming views na nakuha nila: PBB Otso Teens collectively (including KaoRhys and Karjon) 5.2M, Maymay Entrata (10M), and Chie Filomeno (850K).

Sa kanilang lahat ay si Maymay lang ang me pag-asang makahatak sa Spotify given that she has released songs which has performed well. She has a modest above 50K monthly listeners there and Kakayanin Kaya got 3.5M streams..

Ang kaibahan kasi ng Spotify ay mas maganda ang engagement-followers ratio dun. Ang worst streamed na ni Maymay ay ang 'I Love You 2', na nasa 19k, more than a third of her following.




So, set aside the confusing numbers na nilapag ko and focus on my prediction. TFBBAM will have at least half a million streams minimum and 5M maximum during its first week sa Youtube. It will finally being the subscriber base of Star Cinema sa Youtube from 2.8M to 3M.

Sa Facebook ng Star Cinema, it can go from 1M to 3M in a week. Mas madali kasing madistract ang mga tao sa FB kaya mababa ang maximum potential dito though I think mas mabilis tataas ang views dito in the 24-hour period.

Sa Spotify ay swerte na na maka-50k ito. I hope talaga na iconsider ng Star Cinema na i-utilize ang IGTV kasi even ang fashion show ng Gucci ay inistream dito.

Yes. I think this material will be a success. Added factor din na ang director nito na si Joel Ferrer ay may indie following somewhat so it would also make the people with finer taste in pop culture curious aside from the "bakya" and teenage crowd.

Tuesday, July 7, 2020

Janella Salvador Tulfo Ang Bagsak Dahil sa PA



Ang recent na updates kay Janella ay ang interview niya sa Star Cinema Youtube channel about sa blossoming friendship nila ni Joshua Garcia. Nagtrending din ang hashtag na may JEA gawa ng fans niya ma gusto siyang palabasin ng bahay kasi marahil ay miss na siya so unexpected talaga ang kaganapang ito.

Ang kanyang PA na si Michelle Pelongco ay nagsumbong may Raffy Tulfo para maibigay ang kanyang 12 days na sweldo which is 3,600. Biglaan daw kasi siyang pinaalis pero kulang pa ang bayad sa kanya.

8k per month ang sweldo niya. Dati siyang kasambahay na ginawang PA. Kasama siya nito sa taping, nagpeprepare ng gamit like damit. Stay-in si Michelle pero sinabing walang SSS at PAG-IBIG na inapply si Janella for her.



Sana daw minimum man lang ang salary niya according to Idol Raffy

Ayon kay Michelle ay bigla siyang sinabihàn na umalis. Hindi raw niya deserve yung pagkain nila sa bahay.

"Ano ba ang pagkain nila sa bahay, ginto?" pabirong tanong Idol Raffy

Iba raw yung pagkain ng mga amo sa servants. Ikinwento ni Raffy Tulfo na di ganun sa kanila kasi nagagalit nga yung kasambahay nila sa kanila, tumataba gawa nga pinipilit nila kumain.

Sey ni Michelle, 2,000 ang binibigay na budget sa kanila na food for 2 weeks at iba rin ang lutuan nila.

Before pa daw nasuspend ang pag-ere ng ABS-CBN ay ganyan na ang pagtrato sa kanila.

Willing magbigay ng side si Janella basta handler lang haharap pero yung Gidget Dela Cruz ay di na sumasagot after ng initial contact at reply na "we'll get back to you."

Tinanong ni idol Raffy ang netizens kung malaki ba ang kita ni Janella kasi kung maliit, siya na lang ang sasagot.

"Marami po yang pera pero kuripot lang talaga," - pahayag ni
Michelle



Abangan ang part 2 in the next few days because I am sure na meron. Bilang closing, let me read to you some comments ng netizens.

"I do love janella. Her acting skills, her singing voice, her sexy body and her beautiful face but not her personality," said Xelestia Vester.

"The hypocrisy that you have Janella when you are talking about the rights of your channel's employees but you can't even treat your own employees well. Ang lakas mong mangbash sa gobyerno eh ikaw nga di mo maayos sariling bakuran mo. Masyado kang makapal," said Laura May Yeah.

"I watched in pain and I prayed for you Janella but I'm taking it back. Your former driver commented on this and said how cruel you are. Yikes," said Tran Ngoc Tinh.


Monday, July 6, 2020

Buknoy Age Below 18 Pero Malapit na Maging Milyonaryo




Iginiit ni Buknoy na namisinterpret lang siya at wala siyang maling sinabi.

VIDEO LINK SA TAMAD MAGBASA:


May nagtangka daw magsunog sa bahay niya at may nagpaabot ng letters na death threats. Sinisisi niya si Makagago sa nangyaring ito kasi iniinstigate daw ng huli ang mga tao para idown siya.

Kinwestyon ni MG ito dahil may ibang Youtubers din na nagreact sa video ni Buknoy. Akala daw niya ay 18 o 19 na si Buknoy at di niya alam na minor ito at 15 years old.

Harap-harapang sinabi ni MG kahit kasama ang managers niya from Star Image na matabil din ang dila ni Buknoy. Though aminado siya na medyo sumobra ang nasabi niya tungkol kay Buknoy na naghahanap ito ng pepe kahit di naman siy babae.

"Sa tingin mo ba na social media influencer ka? Ngayon after all that has happened, sa tingin mo social media influencer ka?" Tanong ni MG.

Eventually napagtanto ni Buknoy na mali ang sinabi niya tungkol sa walang mararating sa pagtatraysikel.

Pero, iginiit niya na fake news yung kumalat na screenshot tungkol dun sa tinanong niya daw kung may course sa pagtatraysikel.

"Kapag social media personalities, target ka talaga ng character assassination," say ng isang manager niya.




Pinayuhan ni MG si Buknoy na wag siya magpaawa at iadmit ang mistakes niya kasi kitang-kita na eh dinedeny ka ba.

"Kapag mabilis ako magsalita, kung anu-ano yung pumapasok sa isip ko," explain ni Buknoy kung bakit niya nasabi yun. Sakto daw na dumaan yung trike drive bigla kaya binaling niya kung cam at yun ang naidugtong niya sa pangangaral niya sa mga nanonood sa kanya para mainspire.

"Ano yun nademonyo yung kamay mo?" Tanong ni MG at ng isa sa managers niya. Sinabi kasi ni Buknoy na nung nirewatch niya yun after itake at nafeel niya na mali so tinanong nila MG kung bakit inedit at inupload niya pa rin.

Pinangaralan ulit ni MG si Buknoy na maging humble kasi siya nga na 1M ang subsribers ay hindi niya kinoconsider ang sarili niya na sikat. Inemphasize niya na nilait niya si Buknoy sa video para maramdaman nitong malait din gaya ng ginawa niya sa trike drivers.




Dumayo pa si Buknoy galing sa Pampanga at si MG mula sa San Pablo, Laguna sa office ng Star Image sa Antipolo para sa meeting na ito.

Nanawagan siya sa tricycles at nagpaumanhin. Sinabi niya na naniniwala siyang marangal ang tricycle drivers at di niya dapat nilait ang mga ito.

Sinabi ng isa sa managers sa Star Image ay before ng trike issue daw ay nagmessage si Buknoy at interesado magpamanage. Open naman sila tanggapin siya pero napaisip sila nung lumabas nga ang viral video.

The conversation ended na sinabi ni Buknoy na most likely ay di na niya itutuloy ang demanda kay Makagago.

4 hours after the video was uploaded 488k na agad ang views nito. 1.3M na ito after 10 hours.

Eto ang reaction ng netizens sa Youtube comments section:

"The way he can't look straight to MG's eyes while explaining." - ja tds

"Buknoy: magfififteen ganyan kung umasta

Me a fifteen y/o: thank you po ingat knows how to say po and opo lmao y u like that. I liked u before Buknoy pero you're too much kung makaasta ka ngayon parang victim ka that's your consequences." - Fab Formaliz




"MG: Hindi naman kita gustong mamatay

Also MG: Gusto pa lang kitang mamatay.

Damn the straightfordwardness and honesty HAHAHAHA.l." - Earl James Galang

May mga mangilan-ngilan sa comments section na sinabing bigyan ng 2nd chance si Buknoy pero karamihan ay either neutral o sinasabing di nila nafeel ang sincerity ni Buknoy sa apology at realizations niya, na napilitan lang ito kasi may camera.

1.9M total views ang Youtube niya before nagviral ang issues ke Buknoy re N Word at tricycle driver ay pumalo na sa almost 6 million ang views niya.



Kung pagbabasehan ang computation sa www.socialblade.com, posible na kalahating milyon ang sasahuri niya sa Youtube sa August payout kung nasa 8 to 10 minutes at least ang watch time niya per video.

Chineck ko din ang Youtube page ni Buknoy para iverify ang claims niya na wala siyang bagong upload since pumutok ang issue. 4 days ago ang issue. 2 days ago ay may inupload siya na video titled GRABE NAMAN YUNG LOOK NATO NAKAKAINSPIRE TRY MO PANUORIN TEH with 609K views. 5.5k likes at 49K ang dislikes ng video. Since 10 minutes ito, sabihin na nating 6 minutes nanood ang mga tao, so, mga 40k to 50k ang kikitain niya with this single video.

Dahil nga rin sa mataas na views na inupload ni MG with Buknoy ay posibleng mahila ito pataas, so di malabong imbes na 50K lang ang kitain ni Buknoy with this one video ay 100K na.