Sunday, April 17, 2016

Pelikulang Echorsis ni Lem Lorca, Delikado sa Sinehan Dahil sa Aircon

Mga 14 oras ang nakakaraan (as of writing), ipinost ng director ng horror-comedy film na Echorsis ang hinaing niya tungkol sa pagkakatanggal ng pelikula niya sa ilang mga  sinehan kahit na umaalagwa ang ticket sales nito.

Isang ka-facebook niya ang nagpost na nakansela daw diumano ang last full show sa Glorietta dahil sa aircon.



Ayon sa talent manager at freelance PR specialist na Mell Navarro kanina, hanggang Martes na lang ito pwede mapanood.



Bilang isa sa mga unang nakapanood ng pelikula noong April 4 na siyang gala night nito, masasabi kong ito ay isang witty na pelikulang ma-eenjoy hindi lang ng buong sangkabaklaan kundi ng lahat ng umibig, may balak umibig, at sawi sa pag-ibig (bilang si Jerry Gracio ang scriptwriter).

May mga ilang sinehan pa rin sa probinsiya na palabas ito at maaari pang dumami ulit kung maraming manonood ng pelikula.



Theme song pa lang panalo na. Kaya go, watch ka na at iexperience ang sabunutan between good and evil. :)



No comments:

Post a Comment