Sunday, May 8, 2016

Ms. Baby Go, Go Pa Rin sa Pagproprodyus ng Marami Pang Indies




             Sa pagbubukas at blessing ng opisina ng BG Productions na pag-aari ng business woman Ms. Baby Go ay hudyat na patuloy siya sa paggawa ng maraming pelikula, Ginanap ang “blessing” sa kanyang bagong opisina sa Shaw Boulevard, Mandaluyong. Dinagsa ng media, importanteng personalidad mula sa NBI at Philippine Chinese Chambers of Commerce, film directors, at mga artista ang nasabing blessing.






“Simple lang ang opisina ko pero maganda ang location. Malapit siya sa lahat. Bukod sa production office, yung ibang negosyo natin gaya ng BG beauty soap at art gallery dito ang sentro. Ako mismo ang gumawa ng interior design nito, hands-on ako talaga. Eto na ang pinaka-bahay ng aking mga staff. Ang mga direktor ko, may kanya-kanya silang table kapag bumibisita dito…,” masayang pagkukwento ni Ms. Baby Go.






Nagsimula ang pagproprodyus ng BG Productions noong 2013 sa katuwaan na isama sa eksena ang apo ni Ms. Baby Go sa pelikulang Lihis ni Direk Joel Lamangan. Kapwa kliyente ng parehong banko si Ms. Baby Go at Direk Joel Lamangan. Ang “middleman” ay si Mr. Romeo Lindain. Agad-agad, natuloy ang pagsasapelikula, kung saan gumanap na “baby” ni Lovi poe ang apo ni Ms. Baby and the rest is history.







Sa kasalukuyan ang BG productions ay nakasampu nang pelikula tapos eto ay ang mga sumusunod: Lihis, Lauriana, Bigkis, Homeless, Child Haus, Iadya Mo Kami, Sekyu, Laut, Tupang Ligaw, at Siphayo. Nagumpisa nang mag-shooting ang pelikulang Area na pinagbibidahan ni Ms. Ai Ai De Alas mula sa direksyon ni Louie Ignacio at ang Balatkayo na nag-shooting sa Singapore, Dubai, at Abu Dhabi mula sa direksyon ni Neal Tan. Sa darating na buwan ay mag-uumpisa na ang pelikulang Nuclear Family mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana at ang horror film na Smell of Fear.








Kapuri-puri ang sunud-sunod na pagkapanalo ng BG Productions sa mga international film festival kung na personal na dinaluhan ni Ms. Baby Go. Sa umpisa ng 2016 ay nanalo ng “Best Children’s Film” ang kanyang pelikulang Child Haus sa 14th Dhaka International Film Festival ng Bangladesh. Nasundan ito ng pagkapanalo ng pelikulang Laut (directed by Louie Ignacio) sa 35th Fantasporto International Film Festival ng Portugal bilang “Special Mention Jury Prize Award” at nakuha ni Barbie Forteza ang Best Actress Award sa nasabing film festival. 






Mahigit isang buwan lang ang nakalilipas, nagwagi naman si Allen Dizon ng Best Actor sa 4th Silk Road Film Festival ng Ireland para sa pelikulang Iadya Mo Kami ni Mel Chionglo. Matapos ito ay nagwagi naman ang pelikula ng “Silver REMI Awards” sa 39th Worldfest International Film Festivals ng Houston, Texas. Nominated for Best Director si Direk Joel Lamangan para sa Sekyu nang maging kalahok ito sa 2016 Madrid International Film Festival na gaganapin sa New York this June. In-competition naman ang Iadya Mo Kami sa International Film Festival sa Italy na gaganapin sa September.







“Excited na ako sa mga pelikulang gagawin pa namin. Tuloy-tuloy na talaga tayo sa ganitong negosyo. Salamat sa major TV networks at foreign distributors na bumibili ng aming mga pelikula. Malay n’yo, makagawa rin kami ng mainstream at commercial films na pipilahan sa takilya,” pagwawakas ng Contemporary Indie Queen.





*Text is lifted from the official press release provided by the film outfit save for some few editorial alterations

No comments:

Post a Comment