Wednesday, June 8, 2016

MGA BAGONG TALENTS NG BG PRODUCTIONS INTERNATIONAL IPINAKILALA SA MEDIA

Pormal na ipinakilala sa MEDIA ng bumubuo ng BG Productions sa pangunguna ni Ms. Baby Go ang mga bibigyan ng break at gagawing homegrown talents ng nasabing produksyon.




Sampung mga baguhan ang rumampa sa media sa pangunguna ng Hunk Cebuano James Robert na magbibida sa "Balatkayo" kasama si Aiko Melendez; Japanese Hunk Alexis Yasuda na nanalo na ng Aliw Award Best Actor in a Feature role at nabigyan ng scholarship for film and TV Theater at University of Notre Dame sa Indiana,USA; Sexy star Kristine Barreto na bibigyan nng break sa pelikulang "Balatkayo"; Erika Yu na nabigyan na ng major role sa pelikulang "Child Haus" bilang pa-sosyal na batang may kanser at sa "Laut" bilang kapatid ni Barbie Forteza na maagang nag-asawa; Wynona Calderon 16 years old from Cavite na batikan sa paggawa ng mga legitimate stage plays, Half Italian Yvonne Aresu from Bulacan na bihasa na sa pagmo-modelo sa edad na 15 years old; Jay Verona isang beauty king from Davao na nag-uwi ng First Runner Up kamakailan lamang sa Mr. Golden Universe na ginanap sa Brazil; Beauty queen potential pero malalim kung umarte na si Grace Buenconsejo; Cute and confident child actor, Rafferty Manasala at si Francis Garde na bagamat' bata pa ay nakitaan ng lalim sa pagganap dahil sa mga pinagdaanan nito sa buhay.



Sasalang sa mga acting workshops ang bagong talents sa pamamahala ng regular director of BG Productions na sina Mel Chionglo, Joel Lamangan, Louie Ignacio, Neal Tan at Jason Paul Laxamana. Inihahanda rin ang mga role na ibibigay sa kanila sa mga proyekto ng BG Productions at nakatutok ang Management sa kanilang grooming at pagpapaganda upang maging ganap silang handa sa limelight ng showbusiness.




"...Hindi kami nangangako ng langit at lupa sa kanila, ang pagsikat ng talent ay hindi lamang nakasalalay sa humahawak sa kanila kundi sa kanilang Talento, Attitude, Disiplina at suwerte. Importante ang patnubay ng Diyos at dasal para matupad ang kanilang mga pangarap. Best effort kami, tulungan at hindi sila dapat naiinip dahil ang tamang panahon ng kanilang pangarap ay darating at darating kung para sa kanila 'yon. Sana magtagumpay sila lahat kasi masaya kami na maging parte ng kanilang pagsikat at tagumpay..." pagwawakas ni Ms. Baby Go.




 *Ang teksto ay galing sa press release

No comments:

Post a Comment