Friday, July 8, 2016

EXCLUSIVE: Allen Dizon, Inaming Mas Bugoy siya kesa Lando



Cinemalaya 2016 is just around the corner. One of the feature length entries is the Allen Dizon-starrer Lando at Bugoy. The award-winning actor summed up his experience in shooting the film by Vic Acedillo, Jr.

“We had our shooting in Camiguin and stayed there for a week. 10 days yung shooting. Naenjoy ko yung group ni Direk Vic and naenjoy ko yung community, yung place. Aside from that, iba yung malayo ka sa sibilisasyon, malayo sa polusyon, malayo sa lahat. Andun ka lang nakastay for that film, so, mas nafocus ako. Mas gusto ko yung acting ko dito sa Lando at Bugoy kasi more natural, more realistic at it’s a story about a father and son so mas nakakarelate ako sa story.”


Allen was also the lead in Iadya mo Kami, a Mel Chionglo oeuvre which premiered in the Philippines recently The said film was shown in various countries first. He won in the Best Actor category of Ireland's 4th Silk Road Film Festival for his performance as a priest trying to stay true to his faith in a corrupt town.

Allen has four children comprised of three girls and one boy. “So pag anak-anak ang pinag-uusapan, medyo mabilis akong makarelate.”




(On playing Lando) “The character of Lando…he’s an illiterate. Kumbaga, wala siyang pinag-aralan pero strong yung personality niya and si Lando, hiwalay sa asawa. Namatay yung asawa ko at may anak kami, si Bugoy, si Gold. Ang istorya nung tatay, gusto niyang makatapos ng pag-aaral yung anak niya kasi nga hindi siya nakapag-aral, so, etong anak, tamad siyang pumasok. So, ang ginawa nung tatay, sinabayan siyang pumasok. So, nag-aral din ako dito. While yung anak ko tamad mag-aral, sabi ko sa kanya, sige, kung tamad kang mag-aral, ako na lang mag-aaral. Sabi niya, sige mag-aral tayo pareho. So, nag-aral kami pareho. So, yung story parang it’s more about education. Sa panahon ngayon, mas nagfofocus yung mga bata sa education, not for anything else. Not for barkada…yung kabataan ngayon nababarkada, napapariwara sila, nag-aano ng drugs, ganun. So, itong story ni Lando at Bugoy, maraming makakarelate na mga bata tsaka mga magulang, di ba?”



(On his study habits as a child) “More on Bugoy ako nun *laughs*. Bugoy kasi is…bugoy ang tawag nila sa mga pasaway, ganyan. Actually, hindi naman sobrang pasaway pero part of my childhood, part of being a student, being a lalaki, di ba? Gusto mong inexperience mo lahat eh, ineexplore mo, nakikibarkada ka, sumasakay ka sa kalokohan kahit na alam mong mali. Hindi ako genius when it comes to studies eh. Ano ako, more on barkada-school-barkada, ano lang, tama lang. Hindi ako yung seryosong nagrereview yesterday, pag ano lang, exam.”


(On his children’s academics) “Actually sila, Lando na sila eh…more yung self-discipline nila as students. Kasi, before, nasa ano sila, nasa international school. So, mahigpit yung mga teachers nila tas madaming projects, madaming assignments. Pero, hindi mo pa rin maalis sa kanila yung pag-uwi maglalaro muna, manonood muna ng TV bago gumawa ng assignments…so, ganun talaga, di ba? Lahat naman naranasan nating maging bata. So, ako naman, as long as ok naman yung mga grades nila, hindi ko naman pinangarap na maging cum laude sila o salutatorian sila o maging ano…as long nababalance nila yung pagiging children nila, naeenjoy nila, at yung pag-aaral, hindi nila pinapapabayaan, yun lang naman yung importante.”


(On Acedillo\s directing style) “Si Direk Vic, ok siyang kawork, napakacool. Open siya sa ideas. Open siya sa mga suggestions. Open siya sa…kung hindi ka satisfied sa ginawa mo, kung gusto mong take two, take three, pwede sa kanya. Kumbaga, open siyatsaka masarap siyang katrabaho kasi para lang kaming naglalaro. Para lang akong bakasyunista dun. Para lang kaming pamilya na magkakasama sa isang bahay na dun lang…after shooting magkwekwentuhan. Tas kinabukasan, early morning nga yung call, sabay-sabay kumain, sabay-sabay aalis ng bahay. So, magaan ang trabaho naming kasi nga ako kasi as an actor gusto ko dire-diretso yung shooting eh. Andun na kami. Andun na lahat. Hindi yung shooting ngayon. next week, shooting na naman, kinabukasan pahinga.”







 *Photos were taken from the actor's FB page as well as the film's official FB page

No comments:

Post a Comment