Thursday, October 6, 2016

Aktres sa Siphayo na si Elora Españo, Diumano'y Nabiktima ng Fil Am Scammers Dati



In Siphayo, a new sexy film directed by Joel Lamangan, this dimpled pretty lass plays the role of Sol, the live-in partner of Luis Alandy's character.

Mula sa kanyang kapansin-pansin na pagganap sa Ninja Party bilang smart girl na parte ng clique (ala Lindsay Lohan from Mean Girls), nagtuloy-tuloy ang pagdating ng mga biyaya at nakalabas na rin siya sa iba pang pelikulang naging bahagi ng significant filmfests sa loob at labas ng bansa gaya ng Tuos, Tandem, at Dayang Asu. Ang huli niyang pelikula sa BG Productions (na pag-aari ni Ms. Baby Go) the film outfit behind Siphayo, ay ang Iadya mo Kami na itinampok si Allen Dizon.


Interviewer: Tell me more about the alleged Fil Am scammers from Alabang whom you've worked with. Naging isyu yun dati sa Facebook group na Auditions and Casting Calls and I heard about it.
Elora: Ang purpose ko when I did that is to help my friend. Nung process na, hindi maayos. Hindi niya alam yung gusto niya tas anlabo ng script. Sa Batangas ang location naming nun so ang goal na lang naming is to try to enjoy pero sobrang distant kami dun sa director at sa producer.

Interviewer: Yung films na nainvolve ka lately, medyo seksi. So, tatahakin mo ba ang landas na katulad ng kay Mercedes Cabral?
Elora: I think magkaiba kami as actors. Maraming mangyayari, maraming proyekto, depende talaga.
Interviewer: Hindi ba nagagalit yung boyfriend mo?


Elora: Wala akong boyfriend.
Interviewer: Paano yung naging start mo sa films at bakit mas pinili mong ipursue yung film kaysa theater?
Elora: Una nagstart ako theater. Bilang maliit lang ang UP community, yung student directors from UPFI kumukuha yan ng actors from theater. I started out talaga sa thesis films. Eventually, may nakakaalala tas pinapaano ako sa auditions. Cinemalaya 2013 ako unang nagaudition. Dayang Asu pa yun, doon ko nakilala si Mr. Ferds. Yun na, nag-domino effect na.
Interviewer: Pero he signed you up after Ninja Party?


Elora: Dati hindi pa ako ready kaso thesis ko pa nun. May school so hindi ko pa kayang magcommit. Nung 2014, parang December, dun na inoffer yung Ninja Party. Kasi kaibigan ko si Iris lee, yung writer nun.
Interviewer: Name a significant role mo sa theater.
Elora: Yung sa grupo nina Charles Yee. Nagkarron sila ng ibang group [bukod sa Tanghalang Ateneo] at nagstage kami sa Black Box Theater…Scheherazade. Pieta yung play ko, sinulat siya ni DJ Crisostomo. Yung role ko dun, anak siya na rape victim. Basta ang twisted ng story eh. Meron akong kuya na may retardation.


Interviewer: What do you usually do to get into the role?
Elora: I read the script and then kung may given circumstances, you fill it out. Kung may kulang, I do research and use my imagination to fill in the blanks.

Interviewer: Does your family know that you do sexy roles?
Elora: They know but from the get-go they hated that I entered theater.
Interviewer: Are they corporate buffs?
Elora: They’re teachers, they’re doctors, they’re lawyers…for them, “you’re already in UP, why not pursue law?”
Interviewer: If ever you’re gonna pursue law, ano yung plan mo i-specialize?
Elora: Basta para sa mahihirap.

Will she be a good girl or a bad girl in Siphayo? Antabayanan pagkat malapit na itong ipalabas sa cinemas nationwide!



Photo Credit: First two photos by Erickson Dela Cruz and the rest from Elora's Facebook page 

No comments:

Post a Comment