“In FDCP, we
want to be inclusive in our projects and those that they benefit. Along with
providing continuous support to our Filipino filmmakers in many of our
programs, we are also coming up with ways to create a culture of support and
viewership from among our audience,” ani FDCP Chairperson Liza DiƱo nang
inilunsad ang proyekto noong ika-26 ng Abril sa Salu Restaurant.
Ang Pista
ng Pelikulang Pilipino ay ang latest na proyekto ng FDCP. Ito ay
naglalayong bigyang espasyo ang mga dekalidad na pelikulang Pilipino sa commercial
theaters sa buong bansa. Itinaon talaga ito sa Buwan ng Wika bilang pagkilala
sa mga natatanging pelikula mula sa iba’t ibang genres.
Ang film
festival na ito ay bukas sa lahat ng Filipino filmmakers na gustong magsumite
ng kanilang mga natapos na pelikula on or before June 15, 2017. Sampu (10)
hanggang labindalawang (12) pelikula ang pipiliin ng Selection Committee na
bukod sa FDCP Chairperson ay kabilang sina Jose Javier Reyes, Erik Matti, Ricky
Lee, at ang batikang editor na si Manet Dayrit ng Roadrunner Network.
Ang mga
pelikulang balak isali ay dapat hindi nagkaroon ng commercial run sa Pilipinas.
Maaring sumali pa rin ang mga naging parte ng indie film festivals gaya ng
Cinemalaya at Cinema One Originals basta nga walang mainstream release. Maging
ang mga pelikulang Pilipino na nanalo sa mga patimpalak abroad ay maaaring
isali. Ang kinakailangan lang ay natapos ito not earlier than one year prior.
“We are
grateful for the support and partnership of the National Cinema Association of
the Philippines and SM Lifestyle Entertainment who have graciously dedicated
over seven hundred (700) of their screens for the Pista,” masayang dagdag ni Liza. Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay
magaganap sa August 16-22, 2017. Walang awarding ceremonies bagaman mamimili
ang panelists ng pagbibigyan ng Audience
Choice Award. S akasulukuyan ay pinag-uusapan pa kung may cash prize o
wala.
Bukod sa
screenings, magkakaroon din ng caravans, audience surveys, at forums para
i-maximiza ang pakikilahok ng film stakeholders, at para na rin maging mas
interesante sa dumaraming film audience and movie enthusiasts.
Para sa
karagdagang impormasyon at kumpletong listahan ng requirements, maaaring mag-email sa FDCP sa chairliza@fdcp.ph o pwede ring bisitahin
ang official Facebook page: https://www.facebook.com/FDCP.ph
No comments:
Post a Comment