Thursday, July 6, 2017

VLF 13 in Focus: U Eliserio and Maynard Manansala Talk About Darna and More

Maynard Manansala (left) and U.Z. Eliserio (right)


One of the most exciting entries for this year's edition of The Virgin Labfest with the theme Wagas is Hindi Ako si Darna of Set B which was a collaboration between the two writers. Andoy Ranay directs and the one-act play stars Tetchie Agbayani in the titular role with John Lapus as Valentina.

Describe your what your work is about in up to three sentences.

MM: Ang entry namin ni U Eliserio sa Virgin Labfest sa taong ito ay produkto ng espekulasyon sa buhay ng isang superhero. Paano, halimbawa, kung mayroon din siyang limitasyon gaya ng karaniwang tao. Sa huli, nagiging pagmumuni ito sa tunay na esensiya ng pagiging superhero.

UE: Ang aking mga dula ay kolaborasyon. Kolaborasyon sa ko-awtor kong si Maynard Manansala. Kolaborasyon din ang nagaganap sa teatro, pagkikipagdiyalogo sa direktor at mga aktor para makapagtanghal ng dulang magugustuhan ng manonood.

Aside from writing, what else do you do?

MM: Maliban sa pagsulat, tinatapos ko rin ang aking PhD.

UE: Ako ay nagtuturo ng popular na kultura sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa UP Diliman.

Who are the top three writers you look up to?

MM: Rody Vera, Luna Sicat, and J. Neil C. Garcia

UE: Sina Rommel Rodriguez, Jun Cruz Reyes, at Chuckberry Pascual.

How do you think your growing up years influenced you as a writer?

MM: Nagsimula ang fascination sa teatro noong grade school na nakakapanood ako ng mga dula ng PETA sa Dulaang Rajah Sulayman, Fort Santiago.

UE: Mahilig ako sa mga magazin tulad ng InQuest Gamer at Cracked (hindi cracked.com), na puro g*guhan ang nilalaman.

What do you think can be done so that Philippine theater will have more plays in Filipino
rather than in English?

MM: Isang magandang venue ang VLF. Kahit na bukas din ang festival sa English entries, mostly in Filipino ang mga naitatanghal dito. Kung magkakaroon pa sana ng ibang festival na gaya nito, o venue, gaano man kalaki o kaliit. Makakatulong din na magkakaroon ng conscious effort ang mga theater company na gumawa ng mga dulang Filipino, orihinal man, salin o adaptasyon. Masigasig ang Sipat Lawin, at promising ang Sugid Productions nina Andoy Ranay na may commitment na gumawa ng advocacy plays in Filipino.

UE: Wag nang manood ng dulang nakasulat sa Ingles na hindi naman Filipino ang gumawa, pwera na lang iyong salin sa Ingles na walang salin sa Filipino.

What's the first material you've ever written?

MM: Personal essay. Pero kung dulang naitanghal, isang dulang naisulat ko para sa isang simbahan.

UE: Kung dulang naitanghal, Karitas at Damaso. Kung dula nakasulat lang, Si Nigang. Kung kahit anong teksto basta nalathala, "Toilet Reading" (maikling kwento).

What inspired you to become a writer?

MM: Ang mahuhusay kong guro ng literature noong high school, sa English man o Filipino.

UE: Mahilig akong magbasa at anti-social ako noong mas bata.

What made you join VLF?

MM: Sa simula, nahila lang ng kaibigan. Pagtagal, naa-appreciate ko as a writer ang proseso ng kolaborasyon.

UE: Guro ko noon si Rene Villanueva at naging miyembro din ako ng Writers Bloc nina Rody Vera. Nababanggit nilang madalas na ang VLF ay mahusay na daluyan para sa mga bagitong mandudula.


How was the casting process?

MM: Mas desisyon ni direk Andoy ang casting.

UE: Pinangungunahan ng hinahangaan kong si Tetchie Agbayani ang aming dula. Si Andoy Ranay na aming direktor ay may bisyon para sa mga aarte sa dula at siyang nag-recruit ng mga aktor.

What do you do when you get writer's block?

MM: Gumagawa muna ako ng ibang bagay, para magkaroon lang ng diversion.

UE: Gumagamit ako ng prompts tulad ng matatagpuan sa tvtropes.org.





The remaining shows for Set B are on July 8 and 13 (3pm) as well as later July 7, then 12, and 16 (8pm). The venue is at the CCP Little Theater. You can get your tickets at the CCP Box Office or call Ticketworld at 891-9999.

No comments:

Post a Comment