Friday, September 22, 2017

PINAKAUNANG MR. AND MRS. KING AND QUEEN OF THE VOICE OF AN ANGEL (VOAA) INTERNATIONAL PAGEANT, TAGUMPAY!



Kamakailan lang ay natapos na ng Queen of VOAA (Voice of an Angel) Universe International Organization, ang kanilang pinakaunang international pageant na naganap sa napakalaki at napakagarang Seahawk Hotel, sa Fukuoka, Japan. 

Ang organizer na si Ms. Emma “EMCOR” Cordero is Masaya at kuntento sa success at sa resulta ng very first pageant ng Voice of an Angel (VOAA) foundation. Five titles ang pinamigay, all in one pageant, namely: 

1.QUEEN OF VOAA UNIVERSE (46 -70 years old) 

2. KING OF VOAA UNIVERSE (46-70 years old) 
3. MRS. QUEEN OF VOAA UNIVERSE (31-45 years old) 
4. MISTER VOAA UNIVERSE  (18-45 years old) 
5. MISS QUEEN OF VOAA UNIVERSE (18-30 years old)  

Here is the complete list of the winners: 

A - Queen of VOAA Universe 2017- Mrs. Grace Ballesteros Kuramoto
First runner-up- Mrs. Helen Luyahan Pasaol 
Second runner-up- Mrs. Hanayagi Hakukoma 
Third runner-up- Mrs. Miki Douzono 
Fourth runner-up- Mrs. Angielita Korenaga 

B - King of VOAA Universe2017- Mr. Florentino Macawile
First runner-up- Mr. Hisaichi Shimokata
Second runner-up - Dr. Sevillo Tamayo  

C - Mrs. Queen of VOAA Universe 2017- Mrs. Irina Rybachuk
First runner-up - Mrs. Michelle Takahashi
Second runner-up- Mrs. Rona de Vera
Third runner-up- Mrs. Angeline Yap   

D - Mister VOAA Universe 2017- Mr. Edwin de Guzman
First runner-up- Mr. Ricky Macawile
Second runner-up - Mr. Roed de Vera
Third runner-up - Mr. Mark Kaizer Sanchez
Fourth runner-up - Mr. Kunihiko Nakano  

E - Miss Queen of VOAA Universe 2017- Ms. Mary Flor Macawile  

Ang mga judges ng prestihiyosong international pageant ay mga achievers din in their own field of interest. Ang team na namili ng mga rightful winners ng nasabing pageant ay pinamumunuan ng no less than the Chairman of the Board of Judges, the Queen of Maindie Films herself, Ms. Baby Go. Other members of the panel of judges are Mr. Pieter Van Overbeeke, Engr. Badr Hossam, 2016 Mrs. Asia International Vivian Yano, 2017 Miss Earth from Sweden Madeleine Vickery, 2014 Ms. World Philippines Marlan Manguba at si Ms. Ukraine Anna Vasilevsaya.

Ipinaliwanag ni Emma Cordero, ang haligi sa likod ng organization na ito, na ang Queen of VOAA (Voice of an Angel) Universe International ay hindi lang competition para sa beauty and brain, achievements and success, ngunit ito ay isang pageant din para sa mga kababaihan at kalalakihan na may mabubuting kalooban, Ini-launch ng organizing body ang pageant na ito na may advocacy para tumulong at sumuporta sa less fortunate at underprivileged children. 

For the past years, ang VOAA ay tumutulong na sa education ng mga mahihirap ngunit deserving na students. "I believe that the children are the future of our universe. That is the main thrust of our foundation VOICE OF AN ANGEL (VOAA).  "Boses ng mga bata ang naririnig natin na nanghihingi ng tulong sa mga basic needs tulad ng pagkain, damit na maayos at lalo na ang kanilang basic right, which is 'yung makapag-aral sila. Mas naka-concentrate ang foundation natin sa edukasyon nila dahil mas long term ang effect niyan. "'Pag lumaki na sila at nakatapos ng pag-aaral, I believe na makakatulong din sila sa pamilya nila at sa ibang tao. At dahil natulungan sila ng VOAA Foundation natin, in return ay tutulong din sila sa iba. "Like what is happening now, 'yung mga napatapos ng ating VOAA  foundation ay tumutulong na rin sa mga mahihirap. Tumutulong na rin sa akin lalo na sa mga charity works na isinasagawa ng ating VOAA Foundation.  "Ang lagi kong sinasabi sa kanila, ang tulong ko, e, huwag nang ibalik sa akin. Itulong na lang nila sa pamilya nila at sa ibang tao. 'Yan ang talagang ibig sabihin ng VOAA charity especially for the children's education," sabi pa ng empowered woman behind VOAA Foundation, the Woman of the Universe, Emma "EMCOR" Cordero.

No comments:

Post a Comment