Saturday, October 21, 2017
THEATER REVIEW: Ang Pag-uusig
Taong 1953 nang maisulat ni Arthur Miller ang The Crucible, at Ang Pag-uusig naman ang translation ni Jerry Respeto na inadapt para sa Tanghalang Pilipino. Ito ay binase si Miller sa Salem witch trials na nangyari noong 1692-1693 kung saan sina Abigail at Betty, dalawang batang babae, ay inakusahan ang mga kasama nila sommunity ng pagiging mga mangkukulam, na nagresulta sa execution ng 20 katao.
Faithful sa original material, ang dula ay nagsimula sa bahay ni Reverand Samuel Parris (Marco ViaƱa), kung saan walang malay ang kanyang pamangkin na si Betty. But, unlike the original, wala ang narration sa umpisa. Nagwork din naman ito kasi pakiramdam ko ay magiging masyadong mabigat ang simula kung ipinaliwanag pa ang konteksto ng Salem at Puritan colonists.
Mahusay ang pagkakaganap ng mga aktor sa dulang ito partikular na ang mga gumanap bilang sina John Proctor (JV Ibesate), Elizabeth Proctor (Doray Dayao), Abigail (Antonette Go), at Mary Warren (Lhorvie Nuevo). Malinaw ang motibasyon character growth ng bawat isa: Ang pagkatuklas ni John ng importansya ng dangal; ang pagiging matatag at tahimik na pagpapatawad ni Elizabeth; ang pagiging tuso ni Abigail para makaganti sa paniniwalang kasalawahanan; at ang pagiging inosente at matatakutin ni Mary Warren na magreresulta sa pagkabasag ng kanyang willpower sa isang kumplikadong sitwasyon.
Ang ilaw ni Dennis Marasigan, na siya ring direktor ng dula, ay naglalaro halos sa dalawang main hues: dilaw at purple-pink. Hindi ito distracting at nababagay sa somber tone ng dula. Maganda ang blocking niya at bilang isang manonood sa gallery area (2nd floor), kita ko na dynamic ang galaw ng mga tauhan. Ang set design naman ni Ohm David ay simple lang, isang skewed flooring na may kama sa umpisa (bahay ni Parris), na ang mga set pieces ay napapalitan kapag napupunta na sa ibang setting gaya ng bahay ng Proctors. Nagsisilbi din bilang parehong allusion at foreshadowing ang pagiging skewed nito sa mga mangyayari sa dula, na isang grupo ng mga mambabatas at ang iba pang miyembro ng especial na korteng deigned for with trials ay mag-aanimo'y baliko ang pag-iisip dahil sa totoo lang, bago pa man isalang ang isang naakusahan ay mayroon na silang konklusyon na guilty ito, kahit na napakalinaw na ng ebidensya na ito'y taliwas sa kanilang iniisip.
Napapanahon ang dulang ito sapagkat hindi naman nawawala ang witch trials lalo na sa panahon ng social media kung saan pwedeng gisahin ang isang tao sa isang online court, baligtarin ng kanyang mga kakilala't ginawan ng mabuti, dahil lang sa gusto nilang makisali sa bandwagon. O takot silang balingan mismo ng mga nang-aakusa. Mahalaga ang pinupunto ng desisyon na ito para mapagnilayan ng mga tao ang kanilang marahas na pagbibintang dahil maaari ito ay isang maling bintang na posibleng mauwi sa isang karumaldumal na katapusan, gaya ng kamatayan.
Ang huling palabas ay bukas, ika-22 ng Oktubre, 3pm, sa Tnaghalang Huseng Batute. Maaaring magwalk-in sa CCP o tumawag sa 891-9999 para makapgreserba ng ticket. Pwede ring bisitahin ang www.ticketworld.com.ph
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment