Wednesday, February 28, 2018
Ai-Ai De las Alas, Ikinuha ng Insurance ang Fans sa Sobrang Bilib sa Country Bankers
"Kaya ko sila mahal, kaya ko sila gusto, kasi, andali-dali nilang ibigay yung para sa mga nagpa-insure," sabi ni Ai-Ai De las Alas sa presscon ng Country Bankers Life Insurance Corporation (CBLIC). Ikatlong taon na niya bilang endorser ng nasabing kumpanya na limang dekada na ang itinagal.
"There have always been challenges that need to be overcome but we remain solid and committed to serving the needs of the common Filipino. Through the years we have proven to be reliable insurers by reaching out to our target market and giving them the insurance that answers their needs," ani Atty Romeo G. Vasquez, pangulo ng Country Bankers Insurance Group (CBIG).
Itinatag noong March 28, 1965, ang founding president ng CBLIC ay si Jose E. Desiderio, Sr. Ang naging pokus niya ay ang insurance needs sa rural areas o probinsiya. Noong 1960s ay masasabing untapped market ang small and medium business entrepreneurs, mga magsasaka, mga mangingisda, at mga public school teachers.
53rd Anniversary nila sa darating na March 28. Dalawa sa popular nilang produkto ay ang Classic Benefit Plan (CSB) at ang Alalay sa Buhay (ASB). Ang CSB ay nag-ooffer ng insurance protection hanggang sa edad na 96 at pwedeng bayaran sa 3, 5, 7, o ten-year period. Ang ASB naman ay nagproprovide ng renewable one-year insurance para sa mga taong edad 13-70 years old, sa halagang PhP365. Kasama na dito ang natural and accidental death benefits.
Available din ang ASB para buong pamilya o sa senior citizens. Ang ASB family ay renewable hanggang edad na 70 para sa principal insured at 3-5 family members ang coverage na ang bayarin ay PhP750 lang para sa isang unit. Ang ASB for Seniors ay para sa mga indibidwal na 71-80 taong gulang at nagbibigay ng insurance for one year sa halangang isanlibong piso.
Sa sobrang bilib ni Ai-Ai sa kumpanya, ikinuha niya ng insurance one or two years ago ang kanyang loyal fans. Ginather niya talaga sila para sa opportunity na ito.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang official website nila na countrybankers.com o tumawag sa 523-8611 (life insurance) o 524-0621 (non-life insurance).
Photo credit: Cindy Salle from Facebook
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment