Wednesday, April 25, 2018
Single/Single nasa big screen na!
SAKSIHAN ang pagpapatuloy ng istorya ng isang kakaibang pag-iibigan ngayong Mayo sa nalalapit na mainstream theatrical release ng Single/Single: Love is Not Enough.
Sa ilalim ng direksyon nina Veronica Velasco at Pablo Biglang-Awa at sa panulat nina Lilit Reyes at Jinky Laurel, sinusundan ng Single/Single: Love Is Not Enough ang love story nina Joee at Joey mula sa hit cable mini-series na Single/Single, na isang joint production ng Cinema One at ng Philippine Star TV na orihinal na umere noong 2016 kung saan bida sina Shaina Magdayao at Matteo Guidicelli.
Ang Single/Single ay isang serye na mayroong thirteen na episodes at ipinapakita nito ang patuloy na nagbabagong pamumuhay ng mga millenials ngayon, ang mga bagay na mahalaga sa kanila, at ang mga isyung kanilang kinakaharap --- at lahat ng ito ay hinahain ng serye gamit ang genre ng romantic-comedy.
Magsisimula ang Single/Single: Love Is Not Enough kung saan natapos ang serye sa huling episode nito kung saan papunta sa susunod na lebel ang relasyon nina Joee (Magdayao) ay Joey 9Guidicelli)/ Malapit nang manganak si Joee habang in love pa rin si Joey sa kanya at pilit nitong ginagawa ang lahat upang maging isang responsableng foster father. Ang mga realidad ng pag-aalaga ng isnag sanggol ay siyang magiging dahilan upang magbago ang dynamics ng kanilang ideal na relasyon. ,a-chachallenge at mababago ang ibig sabihin ng commitment nila sa isa't-isa habang makakaranas ng pagsubok sina Joee, Joey, at ang kanilang tropa ng mga millenials na siyang makakaapekto sa kanilang mga karera at indibidwal na mga relasyon.
Ipinapakita ng Single/Single ang isang kakaiba at ideal na mundo kung saan may magic ang pag-ibig at kung saan pinapakinang ng romansa ang lahat. Ito ay mundo kung saan ang dalawang puso, dalawang isip, at dalawang kaluluwa ay gagawin ang lahat upang mapaglabanan ang mga realidad ng isang pag-iibigan na kakaiba sa karaniwan.
Ano ang kahihinatnan ng istorya ng pag-iibigan nina Joee at Joey? Sisirain ba sila ng indifference? Paghihiwalayin ba sila ng mga pagsubok? Sapat ba talaga ang pag-ibig upang tumagal ang isang relasyon? Ano ang mga di inaasahang mga kaganapan ang naghihintay kina Joee at Joey sa kanilang tropa ng mga fabulous millenials? Alamin ang lahat nga mga kasagutan sa pagsabak ng Single/Single sa big screen.
Tampok din sa Single/Single: Love Is Not Enough ang lahat ng mga orihinal na cast member mula sa cable series, gaya nina Cherie Gil, Ricky Davao, Anna Luna, Brian Sy., at JC Santos. Ipapalabas ang Single/Single: Love Is Not Enough sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula ngayong May 2.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment