Wednesday, May 23, 2018
Ara Mina, Tatakbo Para sa Mga Batang May Down Syndrome
"Parang ang mga tao gusto nila wellness. Sabihin nating uso ang fun run...kasi nakagawa na ako ng concert before," pagapapaliwanag ni Ara kung bakit ito ang napili niyang activity para sa fundraising ng mga batang may Down Syndrome. Beneficiary niya ang Down Syndrome Associaiton of the Philippines.
Malapit sa puso ni Ara ang mga may kundisyong ganito sapagkat ganito rin ang lagay ng kapatid niyang si Batching (Mina Princess Klenk). Noong nakaraang May 9 ang b irthday ni Ara kaya minove na lang ng May 27 ang event na tinawag na tAra na sa ARenA 2018 asa Philippine Arena ng 5pm para hindi super rush.
Ilan sa mga celebrities na ininvite niya para magparticipate sa run ay ang Araw Gabi cast members, Say Alonzo, Aiko Melendez, Ken Chan, Martin Nievera, atbp. 1,000 ang target participants niya Bukod pa rito ay may celebrity bazaar during daytime at concert sa gabi.
Nabanggit ni Ara na kahit may pa-concert siya ay hindi pa rin singing ang focus niya. Bagaman hindi siya napahinga sa pagkanta at may out of town shows naman as a singer, aminado siya na sa age of social media, hindi singer ang branding niya, :Kailangan ko pa sigurong ipaalala sa tao na singer ako, na may album ako."
Ano nga ba ang pinakamabilis na track record sa fun run? RunRio Inc. Founder and University of the Philippines alumnus Coach Rio de la Cruz confirmed: "Sa lalaki kasi yung pinakamabilis, 30mins. for 10kms."
100 participants ng run ay may Down Syndrome at they get free entry, complete with the kit and everything. Aside from the race kit, ang registration fee ay mapupunta rin sa water station expenses and exciting freebies like Ever Bilena products. "Hindi ka lang naging healthy that day pero tinulungan natin yung foundation," ani Coach Rio. Dagdag pa ni Ara na masarap raw tumakbo sa Philippine Arena at maraming nag-eengage sa activity na iyon tuwing Linggo. Bukod pa doon ay sa loob ng Philippine Arena compound, mayroon ding zoo, kiddie rides, garden, at planetarium. Pwedeng irenta ang mga ito kahit hindi ka miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Si Coach Rio ay dito sa Philippine Arena tinetraining ang kanyang UP Track and Field team. Bukod sa pagiging runner ay mountaineer rin si Ara. Ilan sa mga naakyat niya na ay Mt. Pulag, Mt. Batulao, at Mt. Maculot. Nagtratraverse din siya, isang alternative form ng mountain clambing. "Hindi ka bababa sa inakyatan mo. Doon ka bababa sa kabilang bundok." Wala na lahat ang naakyat niya at ang latest ay ang limestone-filled na Mt. Lubo sa Rizal.
Tatakbo si Ara kasama ang ilang celebrities at participants sa Philippine Arena vicinity. 1 million ang target amount niyang ma-raise. Magsisimula sa 500 meters hanggang 10 kilometers ang pwedeng takbuhin ng mga sasali.
Para sa mga interesado, puwedo kayong magregister online at www.runrio.com or at the following registration sites: Toby's Sports, Hazelberry Cafe, and Philippine Arena.
Nireveal ni Ara sa presscon na crush ni Batching si Paulo Avelino at laking blessing ito sa kanila. "I think she's my lucky charm kasi noong wala pa siya sa buhay namin, hindi ako nakukuha sa mga audition palagi."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment